Palawan News

Apat na parangal, nakuha ng Palawan sa 2018 Mimaropa Regional Nutrition Awards

- Ni Orlan C. Jabagat / PIA

Masaya ang mga kinatawan ng Palawan sa apat na pagkilala na nakuha ng lalawigan sa katatapos na 2018 Mimaropa Regional Nutrition Awards na ginanap sa lungsod ng Muntinlupa Ang pangkat ng Palawan ay pinangungu­nahan ni Provincial Nutrition Action Officer ( PNAO) Rachel Paladan. Ayon kay PNAO Paladan, sa kauna- unahang pagkakatao­n ay binigyan ng pagkilala ang Palawan bilang Most Dynamic Province on Nutrition Program Implementa­tion sa buong rehiyon ng Mimaropa. Ani Paladan, dahil umano ito sa pagsusumik­ap ng Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Palawan na maipatupad ng maayos ang mga programang pang- nutrisyon sa buong lalawigan partikular na ang pagbibigay ng kaalaman at kapasidad sa mga health worker at mga punong barangay para matutukan ang mga programa sa kanilang mga komunidad. Muli namang nasungkit ng Bayan ng San Vicente ang 2017 Municipal Green Banner Awardee para sa buong lalawigan ng Palawan. Ang San Vicente ang may pinakamaba­bang Malnutriti­on Prevalence Rate ( MPR) sa Palawan. Kapwa nagkamit naman ng ikatlong puwesto ang Barangay Panacan sa Bayan ng Narra bilang 2017 Regional Outstandin­g Barangay Nutrition Committee (ROBNC) at si Rosie B. Asuela bilang Outstandin­g Regional Barangay Nutrition Scholars ( BNS). Pahayag pa ni Paladan na dahil sa mga parangal na ito ay pagsisikap­an pang lalo ng kanyang tanggapan kasama ang lahat ng stakeholde­rs na makamit ang limang porsiyento­ng MPR ng nasyunal at ang malnutriti­on reduction program. Taunang itinataguy­od ng National Nutrition Council ( NNC) at Department of Health (DOH) ang Regional Nutrition Award upang bigyan ng pagkilala o parangal ang mga kawani, tanggapan, pamahalaan­g lokal na mayroong malaking ambag sa pagtataguy­od ng mga programang pangnutris­yon sa kani- kanilang mga lugar. Ito ay isa ring paraan upang patuloy na mai- angat ang antas ng kalusugan ng mga Filipino. ( OCJ/ PIA- MIMAROPA, Palawan)

 ?? (Photo from PIO) ?? Tinanggap ni Palawan Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Rachel Paladan (pangalawa sa kanan) ang pagkilala sa Palawan bilang 2017 Most Dynamic Province on Nutrition Program Implementa­tion sa buong rehiyon ng MIMAROPA sa katatapos na 2018 MIMAROPA Regional Nutrition Awards.
(Photo from PIO) Tinanggap ni Palawan Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Rachel Paladan (pangalawa sa kanan) ang pagkilala sa Palawan bilang 2017 Most Dynamic Province on Nutrition Program Implementa­tion sa buong rehiyon ng MIMAROPA sa katatapos na 2018 MIMAROPA Regional Nutrition Awards.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines