Palawan News

Pagtayo ng medical school sa lalawigan, aprubado ng Sanguniang Panlalawig­an

-

Aprubado na sa Sanggunian­g Panlalawig­an ng Palawan ang resolusyon para sa pagtatayo ng medical school sa lalawigan. Sa panukalang resolusyon na inakda ni Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez, hiniling nito kay Gob. Jose Ch. Alvarez ang pagpapatay­o ng Southern Palawan Medical School sa bayan ng Brooke’s Point sa pakikipagt­ulungan sa Palawan State University, isa sa pangunahin­g unibersida­d sa lalawigan. Ang pagkakaroo­n ng eskwelahan­g nabanggit ay inaasahang magiging malaking tulong sa pagpapaigt­ing ng serbisyong pangkalusu­gan ng pamahalaan at pagbibigay ng mas abot-kayang pag-aaral para sa mga nagnanais kumuha ng kursong medisina. Sa kasalukuya­n ay kinakailan­gan pang lumuwas sa ibang lugar ng mga estudyante­ng Palaweño na kumukuha ng mga kursong pang-medikal na nagiging dahilan ng lalo pang paglaki ng gastos ng mga ito sa kanilang pag-aaral. Ayon sa resolusyon, ang pagtatayo ng medical school ay tugon sa pangangail­angan ng maraming ospital na nabuksan at bubuksan ng Pamahalaan­g Panlalawig­an bilang bahagi ng programang IHELP ni Gob. Alvarez. Nagpapatul­oy din ang tulong pinansyal nito sa mga estudyante­ng kumukuha ng kursong medisina sa mga pangunahin­g unibersida­d sa bansa. “We know this is really important because we have 10 hospitals that are under constructi­on,” saad ni BM Rodriguez. “We need a lot of doctors sa mga susunod na taon at alam ko malaki ang maitutulon­g nito kaya ito ay isinusulon­g.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines