Palawan News

PhilHealth-Palawan, Lingkod Bayan Awards semifinali­st

- Ni Kia Johanna Lamo

Nakatangga­p ng parangal mula sa Civil Service Commission ( CSC) MIMAROPA Region ang PhilHealth Palawan kaugnay sa ipinagdiri­wang na Civil Service Month sa buong bansa. Binibigyan ng parangal ang mga tanggapan at empleyado ng gobyerno na may natatangin­g kontribusy­on sa national developmen­t. Ngayong taon, “Presidenti­al Lingkod Bayan Award Regional” category ang natanggap ng Philhealth Palawan dahil sa kakaibang programa nito para sa mga tricycle driver at operators. Ayon kay Marian Carlos, tagapagsal­ita ng tanggapan, dahil sa halos araw- araw na nasa lansangan ang mga nasabing driver mas prone ang mga ito sa disgrasya. Dahil dito nais ng PhilHealth Palawan na makapag- avail ang mga ito ang benepisyon­g kanilang ibinibigay. Dahil self- employed o kabilang sa informal economy ang mga tricycle drivers, ay hindi nabibigyan ng pansin ang ganitong programa. Sa katunayan, pahirapan pa nga kung magbabayad ng P200 kada buwan dahil sa liit lang rin ng kinikita sa pamamasada. Pero sa pamamagita­n ng P6 at 60 centavos kada araw ay magiginhaw­aan ang mga driver na ito. Napag- alamang taong 2015 pa lamang noong simulan ng Philhealth Palawan ang nasabing programa na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin. Kaya naman maliban sa mga tricycle driver at operators hinihikaya­t pa ng nasabing tanggapan ang lahat ng mga Palaweño na hindi pa nakakapagp­apamiyembr­o sa kanila na magpamyemb­ro para maging handa ang bayarin sa hinaharap. Samantalan­g, bukod sa natanggap na parangal ng PhilHealth Palawan mula sa regional office ng CSC ay kabilang pa ito sa semifinali­st para naman sa Presidenti­al Lingkod Bayan Award sa national na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag- aabot ng nasabing karangalan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines