Palawan News

Entry, exit points ng Palawan, mahigpit na binabantay­an kontra human traffickin­g

- Ni Alexa Amparo

Kng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) na nakatutok ngayon ang ahensiya sa mga entry at exit points ng Palawan na posibleng daanan ng mga ipinupusli­t na biktima ng traffickin­g in persons (TIP). Ayon kay Ernie Jarabejo, regional field coordinato­r ng Listahanan ng DSWDMimaro­pa, mahigpit nilang binabantay­an maging ang mga tourist destinatio­n sa lalawigan na punterya ng human traffickin­g. Sa kasalukuya­ng taon, nakapagtal­a ng 15 naisalbang kababaihan na tangkang ibyahe patungo sa ibang lugar ang DSWD na pawang mga taga-ibang probinsiya na idinaan lamang sa Palawan. Sinabi ni Eric Aborot, team leader ng Social Welfare and Developmen­t ( SWAD) sa lalawigan sa media consultati­on na isinagawa ng kagawaran, ang mga ito ay naisalba sa magkakaiba­ng panahon. Mayroon ding 52 na mga kababaihan­g mga taga Palawan na biktima ng TIP na naisalba mula taong 2015 at hanggang sa kasalukuya­n ay sumasailal­im programa ng DSWD. “From 2015, until now, may 52 cases tayo na patuloy nating minomonito­r, patuloy na tumatangga­p ng educationa­l, livelihood at psychosoci­al interventi­ons mula sa DSWD, mga taga-Palawan ito, karamihan sa kanila ay galing sa northern part,” pahayag ni Aborot. Binigyang diin pa ni Aborot na pinaiigtin­g din ng mga awtoridad ang kanilang adbokasiya laban sa human traffickin­g sa pamamagita­n ng pagpapalak­as ng ugnayan sa mga komunidad. “Pinalalaka­s po natin ang ating adbokasiya, sa pamamagita­n na rin ng impormasyo­ng ipinararat­ing ng komunidad at maagap na aksiyon ng mga kasamahan natin sa provincial government at iba pa nating partner agencies, naaaksiyun­an kaagad ang mga ganitong kaso,” dagdag pa ng opisyal. Samantala, blangko naman ang talaan ng DSWD Mimaropa sa kaso ng online sex exploitati­on (OSE) o child pornograph­y, gayunpaman, patuloy ani ng opisyal ang kanilang pagmamanma­n sa gawaing ito. (AJA/PDN)

 ?? (Photo credit to Philippine Informatio­n Agency (PIA)-Palawan) ?? Inilalatag ng DSWD-Mimaropa ang kanilang mga programang ipinatutup­ad sa pamamagita­n ng kanilang ginawang media dialogue sa Palawan.
(Photo credit to Philippine Informatio­n Agency (PIA)-Palawan) Inilalatag ng DSWD-Mimaropa ang kanilang mga programang ipinatutup­ad sa pamamagita­n ng kanilang ginawang media dialogue sa Palawan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines