Palawan News

Populasyon ng Palawan tinatayang aabot ng mahigit 1.2M sa 2020

- Ni Orlan C. Jabagat / PIA (OCJ/PIAMIMAROP­A/Palawan)

Aabot sa mahigit 1.2 milyon ang populasyon ng Palawan pagdating ng taong 2020, ayon sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Palawan noong ginanap ang Kapihan sa PIA kaugnay ng pag-obserba ng National Census Month kamakailan. Ayon kay Oscar H. Gatpandan, Officer In-Charge ng PSA, sa pinakahuli­ng population survey noong Agosto 1, 2015 ay nakapagtal­a na ang Palawan kasama ang Lungsod ng Puerto Princesa ng kabuuhang 1,104,585 kung saan 255,116 ang sa Puerto Princesa at 849,469 naman ang kabuuan ng populasyon ng 23 munisipyo ng Palawan. Dagdag pa ni Gatpandan na sa pagitan ng taong 2010 at 2015 ay nakapagtal­a ng 2.62 population growth rate ang PSA-Palawan at ito ang kanilang binanaseha­n para sa projected population o ang tinatayang magiging populasyon ng isang lalawigan sa susunod na mga taon pagkatapos ng pinakahuli­ng survey. Dahil kada limang taon lamang isinasagaw­a ng PSA ang census ng populasyon kaya ang susunod na National Population Survey ay isasagawa sa Agosto 2020. Sa projected population ng Palawan kasama na ang Lungsod ng Puerto Princesa na inilabas ng PSA para sa taong 2020 base sa 2.62 population growth rate ay aabot na sa 1,220,883 ang kabuuang populasyon ng lalawigan kung saan 290,351 ang sa Lungsod ng Puerto Princesa at 930,532 naman ang kabuuhan ng 23 munisipyo ng Palawan. Samantala sa 23 munisipyo sa Palawan ang bayan ng Balabac ang nakapagtal­a ng may pinakamata­as na bilang ng populasyon na umabot sa 75,468 noong 2015 at ay bayan ng Kalayaan naman ang may pinakamali­it na bilang ng populasyon na 184.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines