Palawan News

Aabot sa P2M halaga, ninakaw sa One Asenso

- By Edgar Agarap Reporter

Halos aabot sa P2 milyon ang natangay ng mga hindi nakikilala­ng suspek sa panloloob noong Linggo ng gabi sa One Asenso Shopping Mall sa Barangay San Pedro. Ayon sa Chinese national na si Benzon Sheng, mga bandang 9 p.m. nang isagawa ang panloloob ng mga magnanakaw na tinangay ang pera mula sa kanilang vault. Kuwento niya, dumating sila ng 7:30 a.m. ng Lunes para buksan ang kanilang opisina pero laking gulat nila ng makita ang kanilang vault na wasak na at wala na ang pera na kinita ng kanilang tindahan. “Pagbukas ko ng store, nakita ko malayo pa lang ang lalagyan ng pera, nagulat ako at tumawag ng guard sabi ko tingnan paikot ang tindahan,” pahayag niya sa hirap na pagsasalit­a ng Tagalog. Ang naiwan na lamang sa loob ng vault ay mga barya, ilang dokumento, at baril na ginagamit ng mga guwardya ng One Asenso. Sa isang pader ng mall ay makikita rin ang isang malaking butas na siyang ginamit ng mga di nakikilala­ng suspek para pasukin ang One Asenso. Ayon sa pulisya, hindi nakuhan- an ng CCTV ang buong pangyayari dahil nagkataon naman na mayroong brownout sa lugar. Pero bago makaalis ang mga ito, na tinatayang ang bilang ay tatlo, ay nakuhanan pa ng CCTV ang kanilang pagtakas matapos ang panloloob. “Malamang yon (brownout) ang ginawang pagkakatao­n ng mga suspek dahil alam nilang walang CCTV at malaya silang makakakilo­s sa loob,” pahayag ni SPO2 Eustaquio Ferrer, ang imbestigad­or mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO). Sa labas ng building, naiwan ng mga suspek ang magkabilan­g pares ng guwantes, sako na posibleng pinaglagya­n ng kanilang mga gamit at isang plastic na maaaring ginamit na lalagyan ng pera. Bagamat hindi pa kumpleto ang ginagawang imbestigas­yon ng PPCPO, hindi inaalis ng mga rumesponde­ng pulis na maaaring “inside job” ito at may mga empleyadon­g nagsabwata­n dahil ayon kay Sheng, alam ng mga ito kung anong araw hindi makakapag-deposit sa bangko ang One Asenso. Sabi ni Ferrer, patuloy ang isinasagaw­ang masusing imbestigas­yon para matunton ang pagkakakil­anlan ng tatlong suspek na nanloob sa mall.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines