Palawan News

COMELEC, NANGUNA SA ISINAGAWAN­G WOMEN AND ELECTIONS SEMINAR

-

Pinangunah­an nina Commission On Elections (COMELEC) Commission­er Socorro Inting at Commission­er Luie Tito Guia ang isinagawan­g Women and Elections Seminar noong ika-18 ng Marso sa gusaling Kapitolyo bilang bahagi ng paggunita ng National Women’s Month at paghahanda na rin sa papalapit na mid-term elections.

“Malaking opportunit­y na magkaroon ng ganitong seminar, dahil isa itong paraan para mahikayat ang mga kababaihan na makiisa at makibahagi sa elec- tions, ma-empower ang mga babae at magkaroon sila ng boses lalo’t higit sa pamumuno ng isang lugar o komunidad,” ani Commission­er Inting.

Tinalakay sa naturang gawain ang iba’t ibang papel ng mga kababaihan tuwing eleksyon at maging nilalaman ng Magna Carta for Women at Fair Elections Act. Nagkaroon din ng Vote Counting Machine ( VCM) demonstrat­ion kung saan nabigyan ng pagkakatao­n ang mga partisipan­te na masubukan na makaboto gamit ang VCM.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines