Panay News

Panukalang gawing Ingles ang midyum sa lahat ng asignatura

-  By Joan C. Bandola, SST-III Estefania Montemayor National High School, Dumarao, Capiz

ANG panukalang gawing I ngles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura ay isang malayong adhikain pero posibleng mangyari. Dahil sa impluwensy­a ng mga Amerikano lalong l alo na sa pagpapaunl­ad ng ating edukasyon, naging madali para sa ating mga Pilipino ang pagsasalit­a ng Ingles at pagyakap dito ng buong-buo. Simula ng sakupin tayo ng mga Amerikano at naging malaya, hindi na nawala sa atin ang kulturang ibinihagi nila, maging ang kanilang wika. Dahil din sa ang Ingles ang pandaigdig­ang wika, naging masipag ang mga Pilipino na pag- aralan ang Ingles para makisabay sa galing at husay ng mga Amerikano at ng ibang lahi at para hindi maging huli sa lahat ng aspeto ng buhay at masakop muli. Sunud- sunod ang pagdating ng mga produkto at serbisyong nasa wikang Ingles dito sa ating bansa kung kaya’t ganun na lang naging katatas ang Pilipino na wikain ito.

Sa rehiyon ng Cebu lamang, mas naging matatas pa sa pagsasalit­a ng wikang I ngles ang mga kapatid nating Cebuano kaysa sa sarili nating pambansang wika. Kung sila ang

tatanungin, ang diyalekto nilang Bisaya ang isasagot nilang pangunahin­g wika, at ang kasunod nito ay Ingles, hindi Filipino. Sa Metro Manila, Filipino man ang unang salita pero Ingles din agad ang kasunod. Marami sa ating mga Pilipino na nasa Maynila ang dalubhasa sa pagsalita ng Ingles. Hindi ito maikakaila ng dumaraming call center agency na naitatayo ng mga Amerikano sa kadahilana­ng bilib sila sa mga Pilipino sa wikang Ingles. Aminin din natin o hindi, sa husay natin sa pagsasalit­a, at sa di maiwasang pagwika ng Taglish dahil mas naging madali sa atin ang

magsalita sa Ingles ng isang salitang hindi na natin agad matandaan kung paano isalin sa wikang Filipino, nawawala na ang wika at nakakatako­t isipin na isang araw lubusan na talaga itong nawala.

Ang panukalang gawing I ngles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura ay pwede naman at katanggap- tanggap naman lalo na kung ang intensyon ay para mapabilis ang pagpapaint­indi sa mga mag-aaral ng nilalaman ng asignatura, halimbawa ng Science, Math, Computer, at iba pa. Pero sa mga asignatura­ng tulad ng Filipino, Araling Panlipunan o MAPEH, na puro praktikal at pang- komunidad, mas madadama pa rin ito ng mga mag- aaral kung sa sariling wika natin ipahayag o ituro. Ang wikang Filipino ang syang bumuo sa Pilipino, ang syang naging daan ng kalayaan. Kung ang ikukuwento ay kung saan tayo nagsimula, kung paano tayo umaklas at lumaban, at kung saan tayo patutungo, mas maiintindi­han at maisasapus­o ito ng mga mag-aaaral kung sa sariling wika pa rin ito isasalin. Ang pagka-Pilipino ay laging mag-uugat sa kung paano tayo ipinangana­k – kanununuan, wika at kasarinlan. (

Newspapers in English

Newspapers from Philippines