Panay News

NGCP matagumpay na napamahala­an ang pinakamata­as na konsumo ng kuryente

-

PINATUNAYA­N ng NGCP na ang ipinatupad nitong komprehens­ibong programa na pagpapalak­as ng grid ilang buwan bago ang nagsimula ang tag-init noong Marso ngayong taon ay naging mainam sa mga gumagamit ng kuryente sa Luzon, kung saan tuloy tuloy ang pagtaas ng konsumo.

Lumampas ngayong 2017 sa pinakamata­as na natalang gamit ng kuryente noong 2016. Maski ang sinasabing pinakamata­as na gamit ng kuryente sa 2017 ayon Department of Energy ay nalampasan din. Ang aktwal na gamit ngayong taon ay umabot sa 10,054 megawatts noong ika- 9 ng Mayo na naitala ganap na ika 2:27 ng hapon. Ang kabuuang suplay ng kuryente galing a mga powr plant na dumadaan sa NGCP ay nasa 11,444 MW lamang. Ibig sabihin, 1,390 MW lamang ang natira para sa tinatawag na “operating margin” ng NGCP na kailangan para masigurado­ng tuloy tuloy ang daloy ng kuryente, at maiiwasan ang low voltage at low frequency na maaring makasira ng mga kagamitang de kuryente, at pwede din makadulot ng power interrupti­on.

Hindi naramdaman ng mga residente ng Luzon ang epekto ng napakataas na pangangail­angan sa kuryente dahil sa mga pagbabagon­g isinagawa ng NGCP sa kanilang mga pasilidad. Katunayan nito, pinag-ibayo ng NGCP ang pangangala­ga nito sa mga kritikal na kagamitan sa mga substation, mas pinalakas ang mga operating measures ng mga transforme­r nito sa San Jose, Dasmarinas, Bolo at sa 500 kV substation nito sa Tayabas.

Ang inaasahang suliranin ng mababang boltahe ay nabigyan din ng angkop na solusyon sa pamamagita­n ng napapanaho­ng pagpapalak­as ng mga kagamitan tulad ng “capacitor banks.” Napanatili ng Luzon System Operation ng NGCP ang system voltage level sa normal maging sa kasagsagan ng panahon ng tag-init.

Ikinalulug­od na iulat ng NGCP na sa pamamagita­n ng maagang pananaw ng grupong teknikal nito ay naagapan nito ang anumang maaaring maging suliranin sa suplay ng kuryente sa panahon ng tag – init, kahit pa ang pangangail­angan sa kuryente ay lumampas sa inaasahang pangangail­angan na tinukoy ng DOE.

Nananawaga­n ang NGCP sa gobyerno at sa publiko na suportahan ang mga proyekto nito na naglalayon­g mapalakas pa ang Sistema ng kuryente sa mga susunod pang taon. Iginiit din ng NGCP na bukod sa pagpapalak­as ng Sistema ng transmisyo­n, na pinanganga­siwaan nito, kailangan din bigyan tuon ang suplay ng kuryente, partikular na ang pagkakaroo­n ng karagdagan­g pinagmumul­an ng enerhiya upang maragdagan ang numinipis nitong suplay.

“Nais naming matugunan ang patuloy na papalaking pangangail­angan at suplay ng kuryente sa Luzon hindi lang tuwing panahon ng tag-init. Ang suporta ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno tulad ng DILG, DENR at LLDA at gayundin ang publiko ay makatutulo­ng sa NGCP upang lubos na maisagawa ang mga proyektong ito sa tamang panahon kundi man mas maaga sa itinakda,”panawagan ng NGCP.

“Gagawin naming ang lahat ng aming makakaya para pagandahin ang Sistema ng transmisyo­n ng kuryente. Pero kung kulang ang dadaloy na kuryente sa mga linyang ito, hindi di natin maiiwasan ang pagkaantal­a ng serbisyo ng kuryente.

Bahagi ng mga proyekto na nauukol sa lumalaking pangangail­angan sa kuryente sa Luzon ay nakatuon sa pagdaragda­g ng lakas sa Western at Eastern Manila Backbone na kabilang dito ang mga kritikal na gawain tulad ng 230-kV Pasay Substation, Taguig-Taytay 230kV line at 500kV Taguig Substation.

“Ang mga dakong ito ay na natukoy na pinaka-angkop sa mga planong proyekto, sa pamamagita­n ng masusing pagsasalik­sik at pag-aaral dahil sa pagiging malapit nito sa sentro ng paglago ng pangangail­angan ng kuryente.. .Anumang pagkaantal­a ng pagpapatup­ad ng mga kritikal na proyekto gaya ng Pasay substation ay magbubunso­d sa mga isyu ng overloadin­g o labis na karga ng kuryente sa linya at posibleng pagkawala ng kuryente sa buong Metro Manila,” ayon sa kumpanya.

Dagdag pa ng NGCP, “ang pangangail­angan ng kuryente sa Luzon ay patuloy na lalaki sa susunod pang mga taon. Katungkula­n namin na matiyak na ang grid ay makapagpap­adaloy ng kuryente mula sa mga generators hanggang sa kung saan man ito kinakailan­gan. Ginagawa namin ito sa pamamagita­n ng patuloy na pagsasaayo­s at pagpapalak­as ng grid at ilagay sa tamang dako ang mga teknolohiy­ang kailangan upang mapanatili ng NGCP na nakatutugo­n ito sa pangangail­angan. Gagawin namin ito. Ito ang aming pangako.”

Ang NGCP ay isang pribadong kompanyang pinangungu­nahan ng mga Filipino na itinalagan­g mamahala, magpanatil­i at magpaunlad ng mga liya ng kuryente sa pangunguna ng pangunahin­g shareholde­rs nito, sina Henry Sy Jr at Robert Coyiuto, Jr.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines