Tayo ang awtor sa kuwento ng ating buhay
MAY isang monghe na nagbibigay payo sa kanyang dalawang kaibigan. Ginamit niya sa kanyang pagpapayo ang analohiya sa pagsulat ng isang kuwento.Ito ang kanyang naging payo. “Sa kuwento ngating buhay, tayo mismo ang siyang awtor. Nakadepende sa atin kung anong uri ng kuwento angating isusulat. Ang unang burador ngating pagsusulat nito ay medyo hindi kagandahan o hindi nakaka-antig sa ating pandama, kaya, kailangan nito ng rebisyon at pagbabago upang mapahusay. Alisin natin ang mga kamalian, at gawin itong makabuluhan, kaakit-akit, madrama, kabibighani, maganda at sobrang makulay.
Sa pagsulat ngating sariling kuwento, nandiyan palagi ang element ng pagpapakinis nito hanggang ito ay magiging maganda at mahusay sa paningin ngating kapwa, at higit sa lahat ito ay maging karapatdapat sa paningin ngating Panginoon, na siyang nagmamay-ari ngating buhay. ”Pagkatapos pong making sa payo ng kanilang kaibigang monghe kapwa sila ay napatango ng kanilang ulo at napangiti lamang. Kaagad nappaalam at umalis ang dalawa at namuhay nang naaayonsa kanilang paraan. Pagkatapos po ng sampung taon, ang negosyante ay namuhay na puno ng kayabangan, may paglalait at
pagmaliit sa kapwa, at nagpakasaya para sa makamundong bagay. Marami po siyang mga babae na kinakasama. Samantala po ang kanyang kaibigang guro ay ganundin, palipat- lipat sa kandungan ng mga babaing nabihag sa kanyang kayamanan.
Subali’t isang araw ay naalaala ng guro ang naging payo noon ng kanyang matalik na kaibigang monghe. Naglumiwanag ang kanyang pag- iisip at nagpasiya na kailangan niyang ituwid ang kanyang pagkakasala at napakasamang uri ng pamumuhay. Pagkatapos ng limang taon, sa
inaasahan ng lahat, nagbago ang guro at nabuo ulit ang kanyang pagkatao na may takot sa Diyos. At ngayon po, siya ay tahimik at masayang namumuhay kasama ang kaniyang asawa’t mga anak, sa ilalim po ng pagpapala at patnubay ng Maykapal.
Sa kabilang dako naman, patuloy pa ring namumuhay ang negosyante sa kanyang masamang gawain. Ang resulta po, ang kanyang mga negosyo ay nalugi at kasunod nito ay iniwan siya ng kanyang asawa’t mga anak. Ang pinakamasakit pa,na-diagnose siya na may malubhang sakit at nabibilang na lamang ang kaniyang mga araw sa mundong ibabaw. Ang kuwento ng buhay ng negosyanteng ito ay nanatili sa unang burador at walang pagbabago. Nakatago pa rin po ang kuwento ng kaniyang buhay sa silid aklatan kasama po ng iba pang mga kuwento sa buhay ng mga taong kapupunan ng pagsisi, kasawian, karupukan, pagdadalamhati at patungo sa kawalan.Lahat tayo ay binigyan ng pagkakataon ngating Mahal na Panginoon na mapaganda po natin angating buhay. And desisyonsa paggawa nito ay napaloob sa kalayaan na ibinigay sa atin. Nandiyan lamang po an gating mahal na Panginoon na lagi nakatingin sa atin sa lahat na bagay na ating ginagawa.