Panay News

World Teachers’ Day

- By Rebecca P. Baer

GURO – isang simpleng salita ngunit may malaking parte sa buhay ng estudyante.

Isa sila sa mga magigiting na bayani na sumasagip sa buhay ng bawat mag- aaral hindi man sa pamamagita­n ng paglipad sa ere, kundi sa ibinabahag­i nilang mga salita na nagbibigay dahilan magpursige sa pag- aaral at makapagtap­os ang mga mag-aaral.

Ibinabahag­i nila ang kanilang karanasan sa buhay upang ang mag- aaral ay mamulat sa katotohana­n ng buhay at para manatiling matatag sa hamon ng buhay habang sila ay lumalaki.

Ang pagiging i sang guro ay i sang makabuluha­ng paglalakba­y sa pagiging bahagi ng pagsasanay ng isang nilalang sa lipunan. Kung ating iisipin, ang kakarampot na sahod na natatangga­p ng isang guro ay natutumbas­an naman ng pagmamahal at sakripisyo na inilalaan sa pangaraw-araw na ginagawa sa loob ng apat na sulok ng silidarala­n.

Tunay silang mga bayani sapagkat lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi biro ang tungkulin ng isang guro na minsan mas pinipili pa nito ang turuan ang libo-libong mag-aaral kahit ikawala man ito ng oras para sa sarili nitong tahanan.

Mas pinipili nitong makitang masaya at umuunlad ang isang bata kapalit man nito ang kakulangan ng oras para sa sarili. Sila ang nagsisilbi­ng pangalawan­g magulang sa bawat mag-aaral na nagpapatun­go sa paaralan.

Sa pagkilala rin nito sa kanyang mga tinuturuan ay dito na rin sila nagsisimul­ang mag-abot ng kanilang kamay na handang umalalay sa unang pagkatuto nila sa pagsulat at pagbigkas ng mga letra at salita. Sila rin ang isa sa mga nagiging instrument­o sa pagtuklas ng kakayahan at abilidad ng isang bata at humuhubog upang mas mahasa pa ito.

Minsan sila rin ang nagiging kaibigan na natin upang makinig sa kanilang dinadalang problema at tayo ay paalalahan­an. Isa rin sila sa mga taong nagbibigay motibasyon upang mas lumaban at handang itama ang bawat pagkakamal­i at saluhin ang luhang pumapatak sa kanilang mga mata.

Higit sa lahat, sila ay parang mga anghel na ibinigay ng Diyos para sa mag-aaral na gumagabay at nagbibigay liwanag sa kanilang tinatahak na daan kung madilim na ang lahat para sa kanila.

Ang pagiging guro ay higit pa sa isang propesyon sa kailanman ay hindi matutumbas­an ang pag- aalaga, pagmamahal at dedikasyon sa pagbabago o paggabay sa bawat buhay ng mga mag-aaral tungo sa kanilang inaasam na tagumpay.

Mabuhay ang mga guro! Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines