Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa pangkalahatang Pilipino
MAHIGIT isang dekada na nang aprubahan ang programang Education for all 2015 ng pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng Department of Education subalit hanggang ngayon ay hindi parin tuluyang nararamdaman ang positibong epekto nito sa lipunang Pilipino.
Ang EFA 2015 ay binuo ng Social Development Committee ng National Economic Development Authority (NEDA) upang magkaroon ng pangkalahatang reporma na naglalayong maitaas ang kalidad ng basic education ng bawat Pilipino sa taong 2015.
Ibenase ang naturang programa sa Dakar Framework of Action noong Abril 2000 sa Pandaigdigang education Forum na ginanap sa Senegal.
Layunin nito na maikaisa ang karapatan ng lahat na makamtan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkatuto o basic learning needs (BLN) gaya ng kakayahan sa pagbasa, pagbilang, pagpapahayag, pagbigay ng solusyon sa problema, gayundin ang mga pangunahing konsepto sa kaalaman tulad ng kakayahan (skills), pagpapahalaga (values), at pag-uugali ( attitude) na siyang mahalagang kinakailangan ng isang indibidwal upang mamuhay ng matiwasay, makisalamuha, at umunlad sa lahat ng aspeto na may kaakibat na karapatang dignidad bilang tao.
Sa Pilipinas, i pinapakita sa pagsisisyasat ng Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) noong 2003 na mayroong siyam na milyong Pilipino- 10 hanggang 64 taong gulang-ang hindi functionally literate o halimbawa, hindi marunong mag compute o mag bilang at yun hindi nakakaunawa ng malalim na isyu kahit na nakakabasa at hindi nakakapaglalahad ng sariling opinion dahil sa kakulangan sa paguunawa.
Kahit napakalaking badyet ang iginugol ng pamahalaan para sa basic education, l umalabas na mababa pa rin ang antas ng kaalaman ng karamihang Pilipino. Ang kasalukuyang kalagayan ng bansa na patuloy sa paghihikahos ay bunga ng kakulangan sa kaalaman kung paano maiangat ng isang Pilipino ang uri o antas ng kalidad ng kanyang buhay. Laganap din ang kamangmangan sa mga masalimuot na mga isyung pulitikal at sosyal na direktang nakakaapekto sa kanila.
Kung kaya’t maraming mahalagang pagbabago ang hindi nasusupotahan ng masang Pilipino, at wala silang pakialam o walang aktibong partisipasyon dahil sa kakulangan sa kaalaman sa mga mahalagang isyo ng lipunan.
Ang pag- angat sa katunayang malungkot na estado ng edukasyon sa bansa ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kondi ng lahat ng may malasakit sa bansang ito, hindi lang ng DepEd kondi ng mga pribadong grupo at idibdiwal, pulitiko, mga edukadong Pilipino, sundalo, mass media, mga magulang ,at iba pa.
Kahangahanga ang kontribusyon
ng maraming pangkat at indibidwal na Pilipino at kahit banyaga gaya ng Japan International Cooperation Agency o JICA sa bilyong halga sa pagtatayo ng mga silid-aralan at mga computers; ang Philippine-Australian Human Resource Development Fund o PAHRODF sa milyun-milyong gastos sa pagsasanay sa personnel ng DepEd; ang Metrobank Foundation sa pagpahahalaga sa mga gurong Pilipino; mga telebisyon na naghihikayat sa kanilang mga programa ng kabutihan ng pagkakaroon ng edukasyon tungo sa disenteng pamumuhay; at kahit na military na gumagabay sa mga guro na mapasok ang mga liblib na lugar maturuan lamang ang mga taga bundok gamit ang modular na mga lesiyon sa ilalim ng Alternative Delivery Mode o ADM o mga guro mismo na kahit hindi kasya ang sweldo ay nagawa pa ring mag tabi ng kaunting halaga para sa kanyang pag-aaral
Subalit kulang na kulang pa rin ang pagkilos upang tayong lahat ay makialam at gawin an gating tungkulin spagkat gaya ng isang pamilya ay hindi maaring tingnan lamang o iiwang naghihikahos ang ilan nating kapatid.
Minimithi nating maiangat an gating bansa mula sa pagiging thirdworld country ngunit paano ito mangyayari kung karamihan n gating mga propesyonal ay hahatong bilang domestic helper o skilled worker na mababa ang sweldo at naisasakripisyo pa ang pamilya. ( Paid article)