Panay News

Senior High School: Kolehiyo, Trabaho at Negosyo!

Secondary School Teacher III, Doña Hortencia Salas Benedicto National High School, Division of La Carlota City

- By Clarissa Anglo Leonidas,

Kaalinsaba­y nang walang humpay na pag-ikot ng daigdig ay ang patuloy na pag-unlad sa larangan ng edukasyon. Ang Republic Act 10533 o mas kilala sa tawag na Enhanced Basic Education Act of 2013, dito sumibol ang Senior High School, ang pagdagdag ng dalawang taon sa Mataas na Paaralan bilang bahagi ng

K-12 Curriculum.

Ang dalawang taong hahasa sa bawat mag-aaral upang magkaroon ng buobuong konsepto, magpapabih­asa sa kanya ng kasanayan na kahit saan man siya pupunta at kahit sino man ang haharapin ay dalang- dala niya ang sandatang magpapatat­ag sa kanya sa pagharap sa bagong mundo at bagong hamon ng buhay. Ito ang 21st Century Skills, ang edukasyon ng bagong henerasyon.

Ang l i breng dalawang taong

karagdagan­g edukasyon para sa lahat. Kung saan ang dalawang taong ito ang siyang magtutulay at gagabay sa bawat batang Pilipino sa tamang landas na kanyang tinatahak lalo na’t kung magpapatul­oy siya sa kolehiyo. Samantala, sa mga walang kaya nating mga kapatid, at hindi makapagpap­atuloy ng pag-aaral sa kolehiyo ay maaaring makapagsim­ula na sila ng sariling negosyo bilang sagot

sa kahirapang kanyang hinaharap, ang magsisilbi­ng pantawid- gutom sa kanilang pamumuhay. O, hindi kaya’y magkakaroo­n na ng trabaho sapagkat sila’y may mga sertipikad­o nang daladala pagkatapos ng dalawang taong pag-aaral sa Senior High School. Ito ang mga kumikinang na sandata na bubukas ng pinto at oportunida­d sa mga batang hitik sa kaalaman at kasanayan ng

bagong dekada.

Mga batang handang-handa na sa bawat hamon, hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa buong mundo.

Kolehiyo, Negosyo at Trabaho. Ito ang kaluluwa ng Senior High School, Sagot sa Suliraning Pang-edukasyon, Pangkabuha­yan at Pangkaunla­ran.

Lipad Senior High School! Lipad!

(Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines