Panay News

Anong mali sa pagiging ampon?

- By Mary Christine E. Tubianosa

BAKIT ampon ako? Sino ang mga magulang ko?

Mga kapatid, ito ang mga simpleng tanong ngunit mahirap sagutin. Mga tanong na hindi na bago sa pandinig ng nakararami, luma ika- nga, ngunit patuloy na namumutawi sa bibig ng mga batang, walang sawang naghahanap ng init na pagkalinga ng isang tunay na pamilya, ang pamilyang totoong nagluwal sa kanya sa mundo , ang pamilyang bubuo ng kanyang pagkatao, hindi ang pamilyang nasa papel lamang.

Ayon nga kay Robert, “I to ay parang mayroon kang permanente­ng kapansanan. Ito ay isang sakit sa puso na walang lunas.”

Oo, masakit ngang malaman ang katotohana­n, maaaring mabuo ang galit sa iyong puso, at makakalikh­a ka ng ikasasama ng iyong sarili o pasakit sa iyong kapwa. Ngunit, ganito ang ipinayo ng Bibliya, ayon sa Awit Kapitulo 37, bersekulo 8, “Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangal­it.”

Posible ba ito? Oo, hiramin natin ang salita ng Diyos sa Kawikaan, Kapitulo 19, bersekulo 11, “Ang kaunawaan ng tao ay tunay na nagpapabag­al ng kanyang galit.” Kaya, unawain mo ang iyong kalagayan , palawakin ang iyong isipan, maging positibo at ituwid ang mga maling palagay.

Ipagpasala­mat na Legal na ampon ka, Anak na totoo. Ang legal na pag-aampon ay pinakamabi­sang paraan upang ang mga paslit na naulila, napabayaan at naabandona na uhaw sa pagkalinga, pagmamahal at nangangail­angan ng proteksyon ng pamilya ay mabigyan ng isang tunay na tahanan, ang tahanang bubukas ng pinto na siyang maituturin­g nilang sa kanila.

Oo sa papel lamang ‘ yan, subalit tingnan mo, minahal ka, kinupkop, inaruga, itinuring na isang tunay na galing sa kanila at binigyan ng bagong pamilya.

Ang pamilyang gagabay at tutulong sa iyo upang unti- unting ibalik ang nawawalang tiwala sa sarili, at higit sa lahat, ang pamilyang huhubog sa iyo upang mabuhay muli ang pagasa sa iyong puso. Ang pag- asang magbibigay ng lakas upang tuparin ang mga pangarap sa buhay.

Mga pangarap, na nailibing na sana sa limot at naglaho na parang bula kung hindi sila dumating upang ikaw ay sagipin.

Mga kapatid, ito ay patuloy na isinasakat­uparan ng Department of Social Welfare and Developmen­t o DSWD, na sa legal na proseso, ay mabigyan ng permanente­ng pamilya ang bawat batang Pilipino na pinabayaan, inabuso, inabandona at may mga espesyal na pangangail­angan na sila’y maaaring legal na ampunin. Ang isang bata na hindi inaaruga ng kanyang mga magulang sa loob ng anim na buwan o higit pa ay idinedekla­rang “abandoned child.” Ayon sa Philippine Orphanage Foundation, pinakamain­am para sa kapakanan ng mahigit dalawang milyong bata sa mga ampunan at mga child care agency kung legal silang mailalagak sa pangangala­ga ng bagong pamilya.

Ang tanong ko ngayon,: “Eh, anong mali sa pagiging ampon? Wala naman, di ba? Ang mahalaga, legal iyon, pinagpala ka at binigyan ng bagong pag-asa. Kaya, magtagumpa­y ka! ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines