Panay News

Extrajudic­ial killings: Bigyang hustisya!

- By Mary Ann Agregorio, Teacher II, Ivisan National High School

POOT, galit, paghihinag­pis at iba pang sarisaring emosyon ang makikita mo sa mata ng pamilyang iniwan. Iniwan ng kapamilyan­g walang natanggap kahit katiting na hustisya. Kahit saan ka lumingon, HUSTISYA ang sigaw ng mga tao.

Hindi matigil-tigil sa patak ng luha ang dumadaloy sa pisngi ng mga ng mga magulang. Kailan pa ba namin makakamtan ito? Kailan pa kaya?

Sa mga nagdaang araw, buwan at taon walang segundo ang hindi natin maririnig ang sunodsunod na pagkamatay ng isang tao. Hindi matukoy kung ano o sino ang pumatay dahil nakikita na lang na wala ng buhay.

Maririnig natin sa labi ng iba na simula ng tumungtong ang ating pangulo sa kanyang pwesto ay nangyayari na ang pagpatay na ito.

EXTRAJUDIC­IAL KILLINGS ang mga salitang ito ay tumatak sa isipan ng mga tao. Pagpatay ng hindi dumadaan sa batas, pagpatay ng hindi naman napatunaya­n na may sala talaga. Marami ang di sumasang- ayon sa isyung ito lalo na ang simbahan dahil ayon raw sa Biblia ay bawal na bawal ang pagpatay ng isang tao.

Ang kadalasang nabibiktim­a dito ay ang sangkot sa droga.

Sa hinaharap nating mga problema ngayon tulad ng mga pagpatay sa mga hindi pa napapatuna­yang nagkasala at pagpatay sa hindi dinadaan sa batas. Malaki ang epekto nito sa mga

tao sa ating paligid. Sa takot at pangamba na baka may mamamatay na isa sa kanilang mga pamilya.

Bilang isang ulirang mamamayan, umpisahan natin sa ating sarili, huwag na huwag tayong susubok sa kahit anong uri ng mga ipinagbaba­wal na gamot tulad nalang ng droga. Alam naman natin sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay mapupusok at parang ibong nakawala sa hawla kung kumilos.

Maririnig at makikita naman natin sa mga dyaryo, telebisyon at iba pa ang walang habas na pagpatay sa tatlong kabataan dahil sa droga na kahit hindi pa napatunaya­n. Lagi lang nating tandaan na kaya nating hindi maging katulad sa mga nilalang na nawala sa landas basta’t huwag na huwag tayong susuway sa batas.

Tayo ay mga responsabl­eng mamamayan na sinasabing pag-asa ng bayan. Patunayan natin na may magagawa tayo upang matigil, mawakasan at mabigyang hustisya ang mga pagpatay. Maaari tayong makatulong sa pamamagita­n ng pagbigay ng mga impormasyo­n patungkol sa bagay na ito. Marami na ang mga buhay na nawala at marami na ang hindi mabigyang hustisya.

Makiisa sa mga taong nagtataguy­od na mawakasan ito at maging isang mabuting mamamayan para sa ikabubuti ng lahat. Ang Diyos lamang ang maaaring kumuha ng ating buhay dahil siya ang nagbigay nito. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines