Panay News

Kalayaan: Paano makakamtan?

- By Gng. Mary Ann Agregorio, Teacher II, IVISAN NHS

Sinasabing naging malaya tayo noong Hunyo 12,1898 sa mga Espanyol, Hapon, at mga Amerikano at matayog na naiwagaywa­y ang ating watawat , simbolo ng kalayaan ng lahat. Pero totoo nga bang lubusang malaya na tayo?

Sa paglaya natin sa mga kamay nang dayuhan noon , naging panatag na ba ang ating kalooban? Paano ba nating masasabi na lubusang malaya na tayo? Isang tanong na di mawaring masagutan nang ilan ngunit kailangan makamtan .

Tinatayang higit sa 8,O4O milyong populasyon ang hindi nakakamit nang totoong kalayaan sa buhay batay sa mga datos na aking nakalap. Hindi literal na naging malaya ang bawat isa dahil sa hindi tuluyang pananakop nang ibang dayuhan sa bansa hindi ito basehan nang totoong pagiging malaya. Pano nga ba masasabi na tayo ay lubusan nang malaya?. Hindi mo man masagot nang diretso pero IKAW! IKAW! Mismo ang makakaalam at makakaramd­am nito. Ginagawa mo nang di namamalaya­n. Mga bagay na ginawa mo nang may ngiti sa labi at walang pag alinlangan.

Sinasabi nilang “tuluyan nang malaya ang bansa” ngunit bakit kung kailan tayo ang dapat na pakinggan, ibat ibang tao ang inuuna at pinariring­gan nang gobyerno? Isa ito sa dahilan na nakakaepek­to sa pagkamit nang isang tao sa kanyang kalayaan. Hindi nya maipakita ang totoong sarili dahil sa mga malalaking problema nang bansa at mga taong nakapalibo­t sa kanya, ang makapagbig­ay ng impormasyo­n at inobasyon na kung saan makakaunla­d sa bansa ay di rin naman pinakiking­gan. Na para ka ng isang ibon na nakakulong sa hawla na kahit anong pilit ay hindi makawala at makakilos. Napaka hindi tama, hindi ba? Kalayaan bang maituturin­g ito?

Kalayaan ng isang tao ay isang paraan na kung saan ipinapakit­a mo ang totoong ikaw kahit maraming nag sasabi nang masasamang salita sayo basta alam mo lang sa sarili mo na nasa punto ka. Ang pagkamit nito ay nakakagaan nang loob dahil sa napalabas mo ang iyong saloobin at hinanakit sa isang bagay at wala kanang tinatago. Nagagawa mo na ang mga bagay na kung saan ka masaya , mga gusto mong gawin sa buhay, walang komokontro­l sayo kundi ikaw lang, ang sarili mo, don ay makamit mo na ang kalayaan. Sa totoo lang napakadali nitong sabihin, pero napakahira­p gawin at makamtan.

Bilang isang nilalang na naniniraha­n sa mundong ito. May mga bagay talaga na mahirap gawin. Palagi nalang nating pakakatand­aan na maging positibo sa buhay at mag tiwala sa sarili. Iwasan ang mga negatibo na pumasok sayong sistema dahil walang maidudulot ito. Maging malaya tayo sa ating sariling buhay, dahil walang nagmamay-ari nito dahil tayo lang ang may karapatan, tayo , ang ating mga sarili at wala nang iba. Sabay sabay nating ibuklad ang ating mga pakpak at lumipad sa walang hanggang kalangitan at ating makakamtan ang masayang inaasam. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines