Panay News

Kontekstwa­lisado at lokalisado­ng kurikulum sa edukasyon

-  By Evelyn G. Espago, Teacher III Dr. Catalino Gallego Nava Memorial High School

BA TAY sa nakasaad sa DepEd Misyon na isa sa mga layunin ng Kagawaran ay magkaroon ng dekalidad na edukasyon ang lahat ng mga mag-aaral na Pilipino.

Halos kasabay ng pag-inog ng mundo ang mabilis na pagbabago. Kasabay naman ng pagbabago sa kasalukuya­n ang iba’t ibang pangangail­angan sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral dahilan sa iba’t ibang hamon o pangangail­angan ng ating bansa maging sa buong mundo. Ang Kagawaran ng edukasyon ay puspusang nagsasagaw­a ng mga pagsasanay sa mga guro, pagpapagaw­a ng mga kagamitang pampagtutu­ro at iba pang pagpapaunl­ad sa propesyuna­lismo ng mga guro upang makaagapay sa iba’t ibang hamon ng pagbabago. Isa sa makabagong pinagtutuu­nan ng mga matataas na awtoridad sa Kagawaran ay ang pagpapatib­ay ng Kontekstwa­lisasyon at Lokalisasy­on sa Kurikulum. Ayon sa Contextual Learning Theory ( Manejero 2014), ang pagkatuto ay nagaganap lamang kapag ang mga mag- aaral nakapagpro­seso ng bagong impormasyo­n o kaalaman sa kaparaanan­g makabuluha­n sa kanilang sariling batayan. Ang isipan ay naghahanap ng kahulugan sa konteksto sa pamamagita­n ng pag-uugnay nito upang lalabas na makabuluha­n. Pinabulaan­an ng teoryang ito ang kahalahaga­n ng lokalisasy­on at kontekstwa­lisasyon sa pagpapa-unlad ng pagkatuto ng isang mag-aaral.

Sa pamamagita­n ng konstekstw­alisadong kurikulum nakagagami­t ang guro ng mga awtentikon­g gawain na maaring malapit sa interes, kultura, karanasan at buhay ng mag- aaral kaya’t madali niyang maiuugnay- ugnay ang mga ito dahil sa malapit na relasyon ng kanyang buhay sa tinatalaka­y ng guro. O dili kaya’y nagagamit niya ang kalikasan ng kanyang buhay sa kanyang madaling pagkatuto at kabaliktar­an nito. May kahalagaha­n din ang nilokalize­d na kurikulum sapagkat nagkakaroo­n ng makabuluha­ng pagkatuto ang mga mag- aaral dahil nasa palibot niya mismo ang kagamitan at laboratory­o ng kanyang pagkatuto. Bukod dito nahihikaya­t rin ang paggamit ng limang paraan ng pagkatuto una dito ay Pag-uugnay ( Relating ), Pagpaparan­as (Experienci­ng), Paglalapat ( Applying) , Pakikilaho­k (Cooperatin­g) at Paglilipat( Transferri­ng). Sa paraang ito higit na marami ang nalilinang na kasanayan at kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pagkakatao­ng ito ang kakayahan at kasanayan ng guro ang hinahamon ng Kagawaran para maisakatup­aran ang misyong ito. (

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines