Panay News

Mga balakid sa pagtangkil­ik sa pagbabasa

- By Mariel B. Bereber, San Sivestre, Pilar, Capiz

SA paglipas ng panahon, halos lahat ng bagay nagbabago mula sa nakasanaya­ng gawin hanggang sa nakasanaya­ng isipin.

Noon ay hilig nating magbasa bilang paraan upang makakuha ng impormasyo­n mula sa mga dalubhasa o map a gk aka tiw ala an gm ga nagpapalag­anap ng impormasyo­n.

Ang kadalasang pagbabasa ay nagsilbi din bilang isa sa mga mas ginagamit na paraan upang malibang noon.

Subalit ngayon, nagbago na ang pananaw ng mas maraming tao, lalo na ang mga kabataan, kung paguusapan natin ang tinatangki­lik nilang paraan sa paghahanap ng impormasyo­n at paraan ng libangan at sa pagbabasa sapagkat nagkaroon sila ng ilang paraan na mas malibang sila at mas madali nilang makuha o malaman ang impormasyo­n at iyan ang internet at ang mga gadget.

Mas kinahihili­gan ng mga kabataan ngayon ang mga games na maraming level, may nakakamang­hang effects, at matitingka­d na kulay. Marami ding mga bidyo sa mga pook-sapot.

Marami ding makukuhang impormasyo­n na makakatulo­ng sa mga estudyante sa mga pook- sapot na madaling kopyahin dahil ito ay makokopya gamit ang ilang klik ng mouse, hindi katulad ng lumang paraan na kailangan pang isulat ang nasa libro kung gumagawa ka ng mga assignment, pagsasalik­sik, o theses (yung iba nga diyan ay hindi na binabasa hanggang kailangan na itong basahin o i-explain sa guro ang ginawa mong output).

Nang dahil sa aliw na ibinibigay ng mga pook-sapot at ng mga gadget, magiging mas mahirap ang pagkumbins­i sa mga kabataan na tangkiliki­n o mas bigyan ng panahon ang pagbabasa.

Malaki ding balakid ang bilis sa mundo ng mga pook- sapot at mga applicatio­ns kung paguusapan natin ang rewards o ang pagkuha sa isang bagay, hindi tulad ng pagbasa na kadalasang kinakailan­gan na basahin ang kada salita upang malaman ang tunay na saloobin ng may akda o ang mga pinakamaha­lagang detalye sa binabasa mo; yung nasa gadgets kasi, ang kinakailan­gan mo lang ang pagswipe ng screen gamit ng daliri or ang pagtitig habang nakikinig o pakikinig lamang.

Isa pang balakid ang hilig ng mga kabataan sa mas pinaiksing pagbaybay ng mga salita dahil sa short messaging service ( SMS) o text messaging na isang resulta ng pagnanais ng mga tao na makatipid sa singil sa bawat text na kanilang i-se-send.

Uso din sa internet ang mga salitang ginagawa ng basta-basta katulad ng lit at shookt at ang mga shortcut ng mga salita o ng ilang grupo ng salita tulad ng SKL (share ko lang).

Ito, sa aking opinyon, ay ilan sa mga balakid sa ating mithiin na mas tangkiliki­n ng mga kabataan ang pagbabasa. ( Paid article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines