Ang kalagayan ng pagtuturo sa Pilipinas
ANG pagtuturo ay hindi lamang isang propesyon higit sa lahat ito ay isang dakilang tungkulin. Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay isa sa mga pinaka importanteng aspeto na dapat nating linangin sa ating buhay.
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga paaralan.
Kaya naman hindi madaling maging isang guro, sapagkat ang pagiging isang guro ay nangangailangan ng higit na kakayahan hindi lamang kakayahan sa pagtuturo kundi maging kakayahan sa paglinang ng pagkatao ng bawat magaaral na tuturuan mo.
Kasama nito ay ang mga suliranin na nakaakibat sa propesyong tinatahak ng isang manunudlo. Bilang pinakamahalagang propesyon, ang pagututuro ay naghaharap din sa mga maraming suliranin – suliranin na dulot ng kalagayan ng pilipinas.
Ilan lamang sa mga suliranin na kinahaharap ng ating bansa sa aspeto ng edukasyon ay ang di-sapat na sweldo ng mga guro. Sa katunayan, may iilan-ilan na mga Pilipinong guro ang mas ninanais na mangibang-bansa sa kadahilanang ang sahod ng mga guro dito sa ating bansa ay hindi sapat upang mabuhay nila ang kanilang mga pamilya.
Isa ring suliranin na kinahaharap ng edukasyon ng Pilipinas ay ang mababang uri na mga kalagayan ng mga silid-aralan. Ang kaganapang ito ay lubhang makatotohanan lalung-lalo na sa mga pampublikong mga paaralan. Ito ay lubahang mabigat at masakit na suliranin sapagkat ang bilang nga mga magaaral sa bawat pampublikong paaralan ay lubos na marami kaysa sa mga pribadong eskwelahan.
Ang pagsi- siksikan ng mga mag- aaral sa bawat silidaralan ay isa sa mga nagiging sanhi ng kawalan ng interes