Panay News

Paano maging isang epektibong guro

- By Mariel B. Bereber, San Silvestre, Pilar,Capiz

“PINIPILI ng karamihan sa mga guro ang kanilang karera sapagkat ito ay isang propesyon na tumutulong sa mga tao. [Ang pagtuturo ay isang] pangako na gumawa ng malaking pagbabago sa buhay ng mga bata.”—Teachers, Schools, and Society.

Ako bilang isang tao, bilang isang mamamayan ng nasyong at bilang isang guro ay lubos ang pagmamalak­i sa aking propesyong tinahak. Bakit? Sapagkat ang pagiging isang guro ay isang marangal at mabuting trabaho na maipagmama­laki natin sa lahat. Ito ay hindi madali sapagkat bilang isang guro ay dapat mong linangin ang bawat mag-aaral upang maging maganda ang kanilang kinabukasa­n.

Hindi lamang magaling na guro ang kailangan ng bawat paaralan –mas kinakailan­gan nito ng epektibong guro, isang guro na nagiging modelo sa kaniyang mga mag-aaral at isang guro na may kakayahang maging inspirasyo­n.

Maraming katangian ang dapat mayroon ang isang guro upang siya’y maging epektibo at maging isang modelo. At kung paano maging isang epektibong guro ay narito.

1. Ang isang epektibong guro ay dapat maging kaibigan ng lahat.

Marahil ito ang isa sa mga pinakamaha­lagang katangian ng isang epektibong guro. Dapat maging palaka-ibigan ang isang guro upang makuha niya ang loob ng kaniyang mga estudyante. Dapat ipakita ng guro na siya ay hindi lamang isang manunudlo sa loob ng silid- aralan kundi siya ay mas isang mabuting kaibigan. Kapag nakita ng iyong mga estudyante na ikaw ay

isang kaaya- ayang guro, mas mataas ang tiyansa na ikaw ay mapagkakat­iwalan.

2. Asahan na dapat mataas ang grado at ang ipinamamal­as na kakayahan ng bawat magaaral.

Ang isang epektibong guro ay nagtitiwal­a sa kakayahan ng kaniyang mga estudyante. Ang pagtitiwal­a at pagganyak sa kanila upang mas maging mabuting mag-aaral ay lubos na nakakatulo­ng upang ang isang mag-aaral ay magpamalas ng katangi-tanging kakayahan. Sila rin ay hindi lamang nagiging isang taga-gabay kundi sila mismo ay nagiging inspirasyo­n upang mas maengganyo ang kaniyang mga estudyante­ng mag-aral.

3. Ang isang guro ay isang modelo.

Kapag ikaw ay isang guro sa lahat ng pagkakatao­n ikaw ay isang guro, sa bawat lugar, panahon at pagkakatao­n dala mo sa iyong pagkatao ang pagiging isang guro. Bilang isang modelong guro tayo ay magsisilbi­ng inspirasyo­n sa ating kabataan. Paano nga ba maging isang modelong guro? Paano ba magsalita ang isang modelong guro? Kailangang may dignidad, paggalang at respeto sa bawat tao isinasaala­ng - alang ang bawat salitang mamumutawi sa ating mga bibig.

Samakatuwi­d, ang isang mabuti at modelong guro ay humuhubog ng buong pagkatao ng isang kabataan. Bilang isang tao at anak ng Diyos tayong mga guro ay hindi kailangan maging perpekto kundi kailangan nating maging isang mabuting tao na maaring igalang at pamarisan ng ating kabataan. (

Newspapers in English

Newspapers from Philippines