Panay News

Mga paraan ng pagtuturo sa new normal P. Delino, Teacher

Onila

-  By Petr Capiz National High School

ANG haba na ng l abang kinakahara­p nating mga Pinoy sa pakikipagl­aban sa COVID- 19. Halos hindi na matapos- tapos ang problemang dinadanas natin tungkol sa virus na ito. Isang hamon ito sa bawat Pilipino lalong-lalo na sa sistema ng edukasyon kaya ang mga guro ay nagsagawa ng mga estratehiy­a na maaaring mailapat sa bagong sistema na ito.

May dalawang paraan ng pagtuturo ngayon ang mga guro sa New normal. Una, ang modular na kung saan nahahati ito sa dalawa: Online Modular at Offline Modular. Ang Online Modular ay paraan ng pagbabahag­i ng guro ng modyul sa online na pamamaraan at online rin ang paraan ng pagpapasa nito. Kalakip sa ganitong sistema ay may mga iba pang gawain na ipinapagaw­a ang mga guro para sa pagkatuto ng mga estudyante. Sa Offline Modular naman ay kinukuha ng mga magulang o ng estudyante mismo ang printed modyul sa paaralan upang pag- aralan at gawin ang nakalakip na gawain, pagkatapos ay ipapasa ito sa takdang araw ng pagpapasa. Medyo mahirap ang ganitong sistema dahil ang pagkatuto ng mga estudyante ay walang gabay ng mga guro. Ikalawa, Online Classes na kung saan ang mga gawain, takdang aralin at iba pa ay isinasagaw­a sa online na pamamaraan at may mga takdang araw rin na nagkaklase sa Gmeet, zoom at iba pang online na aplikasyon. Ang ganitong sistema ay maganda subalit signal naman ang nagiging balakid sa pagkatuton­g ito.

Ito ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa New normal na kung saan ay natuto silang umangkop sa bagong sistema subalit mas higit na nakasalala­y pa rin ang pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang sarili.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines