Panay News

Edukasyon sa “New Normal”

-  By Pet ronila Capiz National High School (Contribute­d article)

A N G e d u k a s y o n a n g pinakaimpo­rtante sa lahat ng tao dahil dito nakasalala­y ang magandang kinabukasa­n. Ito rin ay sinasabing isang yaman ng tao na walang sinuman ang makakakuwa at ito rin ay karugtong na ng katauhan ng lahat ng tao. Ngunit sa ngayong sitwasyon kinakailan­gan pa ba ang edukasyon? Mayroon pa bang mapupulot na aral ang mga mag-aaral sa ganitong “panibagong set up” ng pagtuturo?

Ang tanging hangad ng bawat mag-aaral ay matuto at makamit ang wastong pagkatuto ngunit sa ganitong uri ng sitwasyon dala ng pandemya ay nagbago ang lahat ang dating normal na pamamaraan sa pagtuturo ay nagbago na kung dati ay magkaharap ang guro at mga mag-aral sa pagtatalak­ay ng aralin sa ngayon ay nasa pamamaraan na ng google meet, zoom at google classroom. Kung dati ay nasa pamamaraan pa ng testpaper ang pagkuwa ng mga pagsusulit ngayun ay sa pamamagita­n na ng googleform. Marami ang nagbago sa dating mga nakasanaya­n na kinakailan­gang tanggapin at sabayan upang matuto. Kahit na ganito ay kailangan parin ang edukasyon, kailangan parin na mayroong matutuhan ang bawat mag- aaral, kinakailan­gan paring matamo ang mithiin sa pagkatuto kung kaya’t kahit na ganito ang set up ng edukasyon sa tinatawag na “new normal na edukasyon” ay napakahala­ga parin ng edukasyon. Kahit na sa ganitong set up ng pagtuturo ay mayroon paring matututuna­n ang mga mag- aaral dahil na rin sa mga gurong masisipag at tapat sa kanilang tungkulin na maihatid ang tamang edukasyon sa bawat mag-aaral.

Ang edukasyon sa new normal ay isang pagbabago, pagbabago sa kaparaanan ng pagkatuto na kung saan nagbibigay pa ng determinas­yon sa lahat ng mag-aaral upang magsumikap pang matamo ang angkop na pagkatuto. Marami mang pagbabago sa tinatawag na edukasyon sa ngayon ngunit isaisip na ito ay ang magiging tulay patungo sa tagumpay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines