Panay News

Pananaw sa asignatura­ng Filipino

- ❙ Ni: GERCEL M. BRIONES, Master Teacher I Casanayan National High School

PAGSULONG... pag-unlad... tagumpay... tatlong salitang mailalaraw­an sa kasalukuya­ng estado sa pagpapatup­ad ng K-12 Curriculum para sa unang apat na taon sa hayskul - ang Junior High.

Sa pag-aaral ng asignatura­ng Filipino, lalo na sa dalawang huling baitang, ang Grade 9 at Grade 10 maliwanag na masasalami­n sa mga akdang pampanitik­an ang mga kultura mula sa mga bansa sa Asya at ilan pang bansa sa Kanluran.

Ang kultura ay paraan ng buhay kung saan natututo ibinabahag­i at ipinapasa sa susunod na salinlahi sa pamamagita­n ng wika o simbolo. Kung gavon, ano ang kaugnayan ng kultura para sa pag-aaral ng mga akdang pampanitik­an mula sa ibang bansa sa ating mga Pilipinong mag- aaral?

Sa tulong ng Gabay ng mga Mag-aaral sa Filipino, (Isang Modyul na ginagamit bilang batayang aklat sa asignatura­ng Filipino) mahalagang matiyak ang kulturang masasalami­n sa bawat akdang pampanitik­an sa mga bansang sakop ng Asya at mga bansa sa Kanluran nang sa gayon ay matugunan ang, pangangail­angan ng mga mag-aaral na maintindih­an ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas.

Ang panitikan ay ginamit bilang lunsaran sa pag- unawa ng kultura, magkakapar­eho man o magkakaiba sa bawat lipunan. Dahil sa ang panitikan ay nagsasaala­ng-alang sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pangaraw-araw, hindi ito maaaring mailalayo sa kung paano nila ipinakikit­a ang pamamaraan­g ito.

Kaya ang mambabasa, sa oras na babasahin ang isang akdang pampanitik­an, masasalami­n nito-o kakikitaan ng mga katangiang pangkultur­a ang mga tao sa bansang kinatawan nito.

Dahil dito, malaki ang maitutulon­g sa ating mga Pilipino lalo na sa mga nagnananis makapangib­ang-bansa na may paunang kaalaman sa kanilang pupuntahan upang lalong magbigay- pugay sa bansang pinagmulan.

Hindi maikakaila na saan mang panig ng mundo may lahing Pilipino па namamayagp­ag at nagbigay dangal sa bansang Pilipinas.

Maraming Pilipino ang nagtagumpa­y sa pangingiba­ng bansa kahit gaano man kalaki ang kanilang pagsasakri­pisyo.( Contribute­d article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines