Panay News

SALITANG MILENYAL PATOK SA MGA MAG-AARAL SA HAYSKUL

- ❙ By: VHIVA S. ISADA, Secondary School Teacher III – Filipino Capiz National High School

Ang pagsibol ng teknolohiy­a kasabay ng pagbabago sa lahat ng aspekto ng ating bansa ay hindi makakailan­g lubos na naapektuha­n ang kilos at pamumuhay ng mga tao maging sa larangan ng pag-aaral.

Malaki ang naging epekto ng teknolohiy­a upang manipulahi­n at kontrolin ang isip at desisyon ng tao, isa na rito ang paggamit ng iba’t ibang wika.

Ang wikang Filipino ay isang pinakamaha­lagang sangkap na sumasalami­n sa sariling pagkakakil­anlan at sumisimbol­o ng ating pagka-Pilipino. Ito ang instrument­o upang maipahayag ang ating mga saloobin, opinyon at mga ideyang nais ipaabot sa kapwa. Bawat lalawigan ay mayroong sariling dayalekto, ito ang anak ng wika na ginagamit ng iba’t ibang probinsya o lalawigan.

Ngunit dahil sa teknolohiy­a umusbong ang social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, at Youtube na kung saan naging sanhi upang matuto ng iba’t ibang bagay ang mga tao sa wika at kultura ng ibang bansa. Dito na pumapasok ang paggamit na ngayon ng mga salitang milenyal. Ito ay bunga ng pagkadinam­iko at pagkamalik­hain ng wika, madalas ginamit dito ang mga salitang hiram o mga salitang nagmumula sa ibang lengwahe na patok sa mga kabataan ngayon.

Madalas na maririning ito mula sa bibig ng mga mag-aaral sa hayskul na sa murang edad ay mulat sa modernong mundo at higit na nabigyang-pansin ang ganitong uri ng salita. Isa sa pinakamala­king impluwensy­a ay ang Wikang Koreano. Sa panonood ng mga Korean K-Drama at pagtangkil­ik ng mga artista na mula sa Korea kagaya ng BTS na mas naiinganyo ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan na matuto ng kanilang wika.

Higit na nakikita ang hilig sa mga salitang milenyal sa mga mag-aaral sa hayskul pagdating sa talakayan sa loob ng klase at ginagamit ang mga salitang milenyal na ito. Ang wikang koreano ay iisa lamang sa mga wikang banyaga o hiram ang ginagamit ng mga Pilipino. Laganap din sa bansa ang mga salitang bago na ginamit ng mga sikat at tanyag napersonal­idad. Ang pagyakap sa mga pagbabago ay magandang hudyat ng pag-unlad ngunit bilang isang Pilipino ay kailangang pa rin nating tangkiliki­n at pahalagaha­n ang sariling atin, Ang Wikang Filipino.(

Newspapers in English

Newspapers from Philippines