Panay News

Filipino bilang Asignatura

- Ni: EBIT A. VILLAS, Teacher III Bangkal Elementary School Dist rict of Sapian

Ang Filipino ay isa sa mga asignatura­ng itinuturo sa mga paaralan sa buong bansa simula unang baitang hanggang kolehiyo. Dito sa asignatura­ng ito tayo natutong kilalanin ang ating sarili, ang ating kultura at kaugalian, pananalita at ang ating aydentidad bilang isang Pilipino. Mula sa pagbigkas abakada, hanggang sa pagkatuton­g bumasa ng mga salita, parirala hanggang sa mga sanaysay at nobela lahat ito ay natutunan natin sa ating asignatura­ng Filipino. Sa pagbabago ng panahon ay tila ba nagkakaroo­n din ng mga pagbabago sa pagpapahal­aga natin sa asignatura. Malimit ito ay isinasawal­ang-bahala dahil para sa iilan ito ay lubhang madaling pag-aralan. Ilan sa mga kabataan sa ngayon ay hindi na nahihilig sa pagbabasa ng mga kwentong nakasulat sa wikang Filipino bagkus ay mas nahuhumali­ng sa mga kwentong Ingles o mga banyagang mga salita katulad halimbawa ng Korean nobela. Maging sa social media malimit ay nagkakaroo­n ng pagkakamal­i sa paggamit ng ating sariling salita o hindi kaya’y nagagamit sa maling paraan sa pag-usbong ng mga salitang iilan lang ang nakakaunaw­a. Tila nakakalimu­tan natin ang sariling ganda ng ating wika na namana pa natin mula sa ating mga ninuno. Nariyan pa ngang minsan ipinanukal­a na alisin na ang asignatura­ng Filipino sa kolehiyo at ilagay na lamang ito sa mga senior high school. Marami ang tumutol sa panukalang ito dahil ito ay isang kawalang-paggalang sa ating wika, sa ating pagkakakil­anlan at pagmamahal sa ating bayan. Hindi dapat na alisin ang asignatura­ng Filipino sa lahat ng antas ng paaralan sapagkat ito ay pagkakatao­ng mabigyang-pagpapahal­aga natin an gating wika at kasarinlan. Dito natin namumulat ang ating kamalayan sa ating sariling wika na hindi mula sa alin mang banyagang bansa. Sa ngayon, ang asignatura­ng Filipino ay nananatili­ng buhay sa bawat mga paaralan at patuloy na itinuturo sa mga mag-aaral. Nawa’y pagtuunan ng pansin at pagpapahal­aga ng mga mag-aaral ang pag-aaral sa asignatura­ng Filipino at maisapuso nila ang kahalagaha­n nito sa ating kasaysayan, kultura at pamumuhay.( Contribute­d article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines