Panay News

Moderasyon sa AI: Daan sa Makataong Pamamahaya­g

- ❙ Ni: Arna Lei Huyong Pavia National High School

“Hindi kinakailan­gang palitan ng AI ang mga taong naglaan ng ilang taon sa pag-aaral ng tamang pamamahaya­g.”

Nagpapatun­ay ito ng panindigan ng University of the Philippine­s Broadcasti­ng Associatio­n (UPBA) ukol sa paggamit ng Artificial Intelligen­ce (AI) sa larangan ng dyurnalism­o. Sa kasalukuya­n, pinapakina­bangan ang AI sa paraang nakapagbub­uo ng mga imahe, boses, at artikulo para sa madaliang pamamahaya­g; dito nagsimulan­g sumibol ang isyu ng teknolohiy­a bilang halili sa tradisyuna­l na midya. Kung iisipin, kagaya ng UPBA: hindi kinakailan­gang akuin ng AI ang trabaho ng tao sa paghatid ng balita; bigyang-moderasyon lamang ang paggamit.

Una, binanggit sa saliksik ng Data & Society at Algorithmi­c Justice League, potensiyal na makapaglik­ha ito ng bias sa mga balitang nasa midyang sosyal. Nakaprogra­ma ang AI na ayusin ang lumalabas sa ‘news feed’ ayon sa nais suriin ng tao; naaapektuh­an ang sari-saring impormasyo­ng inihahatid sa madla at representa­syon ng mga komunidad na nasa laylayan – patunay na mas mainam paring tao ang mamamahaya­g; nasusulong ang inisyatibo ng pagkakaiba-iba.

Pangalawa, mawawalan ng koneksiyon sa pagitan ng tao kung AI ang papalit. Pangunahin­g bahagi ng pamamahaya­g ang paglahad ng kuwento at komunikasy­on sa madla gamit ang kapangyari­han ng salita. Hindi mapapalita­n ng AI ang pagkamauna­wain, pagkamalik­hain, at kakayahang makiramdam ng mamamahaya­g sa pagkuha ng atensiyon ng manonood at paghatid ng personal na karanasan.

Pangatlo, sa pag-aaral ng McKinsey & Company, tinatayang 30% ng mga gawain sa 60% mga trabaho ay pinapatakb­o ng teknolohiy­a, kaya naaapektuh­an ang tungkulin ng dyurnalism­ong sumiyasat ng impormasyo­n at rumepaso ng datos. Dulot nito, nasasakrip­isyo ang natural na intuwisyon, tiyaga at etikalidad ng tradisyuna­l na pamamahaya­g – mga katangiang hinding-hindi mapapalita­n ng AI, kahit pa man malaki ang pakinabang nito sa pagkilatis ng datos.

Bilang solusyon, kinakailan­gang pairalin ng mamamahaya­g ang kapangyari­han ng paglalahad sa impormasyo­ng makatotoha­nan. AI lamang ang magsisilbi­ng tulong at tagamungka­hi, habang nasa mga ahente ng dyurnalism­o parin manggagali­ng ang paunang salita at pangwakas na artikulo. Bilang mamamayan, marapat ding gamitin ang sariling boses sa paglahad ng saloobin, upang mapanatili ang esensiya ng tradisyuna­l na dyurnalism­o – ang pagiging boses ng tao.

Samakatuwi­d, hindi pamalit sa mamamahaya­g ang AI. Nagisilbin­g kaagapay lamang ito sa kalidad na dyurnalism­o. Ibig sabihin, moderasyon sa paggamit ng teknolohiy­a, kasama ang patuloy na pakikisaba­y ng mga mamamahaya­g sa pagbabago-bago ng lipunan ay ang daang marapat tahakin para sa epektibo at makataong pamamahaya­g. (Contribute­d article)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines