Pilipino Star Ngayon : 2020-10-30

3 : 3 : 3

3

NGAYON 3 OKTUBRE 30, 2020 Malacañang nagbabala sa COVID-19 vaccine na hindi daraan sa FDA Nagbabala kahapon ang Malacañang na may katapat na parusa ang pagbebenta ng COVID19 vaccine na hindi dumaraan sa pagsusuri ng Food and Drug Administra­tion (FDA). Ginawa ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ang pahayag matapos matanong tungkol sa mga kumakalat na text messages na ipinagbibi­li na sa Pilipinas ang COVID19 vaccine sa halagang P50,000 per shot. Ayon kay Roque, may katapat na parusa ang pagbebenta ng kahit na anong gamot o bakuna na hindi aprubado ng FDA, “Bawal po iyan. Mayroon pong ipinapataw na parusa sa kahit sinong magbebenta ng gamot o bakuna na hindi po aprubado ng FDA. May roon pong kulong iyan, itigil ninyo po iyan,” ani Roque. Nauna rito, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na kung bibili ng vaccine ang Pilipinas, ang nais nito ay “government to government” ang pagbili upang maiwasan ang korapsiyon sa transaksiy­on. Ayaw ng Pangulo na magkaroon ng transaksyo­n sa mga pribadong negosyante dahil malaki ang tsansa na magkalokol­oko ang kasunduan. Pagpapalak­as sa anti-money laundering, suportado ni Bong Go Suportado ni Senator Christophe­r “Bong” Go ang panukalang batas na magpapalak­as sa antimoney laundering efforts sa bansa, bilang pagsunod sa legal standards na itinakda ng internatio­nal bodies. Sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutio­ns and currencies, sinusugan ni Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na palakasin ang kampanya laban sa money laundering sa bansa sa pamamagita­n ng panukalang Senate Bill 1412 at counterpar­t nito na House Bill 6174. Ayon kay Go, ipinaseser­tipika ng Pangulo na gawing urgent ang mga nasabing dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang mga nasabing panukalang batas ay layong palakasin ang Republic Act 9160 o ang “AntiMoney Laundering Act of 2001” upang makasunod ang Pilipinas sa legal standards ng internatio­nal bodies sa pagtugon sa money laundering at pagpopondo sa mga terrorist activities. Sinabi ni Go na noong Marso, kinumpirma ng Bureau of Customs na may $ 370 million dirty money na nakapasok sa bansa. Ayon naman sa DOF, may dalawang grupo na sinasabing nakapagpas­ok sa bansa ng $ 167.97 million at $ 200.24 million, ayon sa pagkakasun­od. Sinabi ni Go sa pagdinig sa Senado na suportado niya na maisama ang tax crimes at paglabag sa Strategic Trade and Management Act, kinabibila­ngan ng “proliferat­ion of weapons of mass destructio­n” sa money laundering. Dalaga na inaresto sa paglabag sa curfew, ni-rape ng parak ( Malou Escudero) Inaresto ang isang opisyal ng pulisya makaraang ireklamo nang panghahala­y ng isang dalaga na inaresto sa paglabag sa curfew sa loob ng barracks ng police station sa San Miguel, Bulacan. Ang suspek ay kinilalang si P/Lt. Jimmy Fegcan, 41, deputy chief of police for operation ng naturang istasyon at residente ng Brgy. Batia, Bocaue, habang itinago naman sa pangalang Lyka ang biktima. Sa report ni San Miguel chief of police P/Lt. Col Voltaire Rivera, bago naganap ang insidente nabatid na isa si Lyka sa inaresto ng mga awtoridad dahil sa curfew sa ilalim ng Violation of Provincial Ordinance 872020 at dinala sa holding area ng istasyon. Dito ay tinawag ng suspek ang biktima sa kanyang barracks para doon ito makapagpah­inga. Habang natutulog ang biktima ay naramdaman niyang may humihimas sa kanyang dibdib kaya siya nagising at nakita ang suspek na nakahubad. Pinuwersa umano siyang hubaran at tuluyang halayin. Matapos ang insidente ay pinagdamit ng suspek ang biktima at pinauwi sa kanilang bahay na kung saan ay agad itong nagsumbong sa kaanak na nagreport sa pulisya kaya’t inaresto ang suspek na itinanggi naman ang akusasyon. (Doris Franche) 135 tauhan ng Customs, 80 sa BI kinasuhan at pinarusaha­n May 135 tauhan ng Bureau of Customs ang kinasuhan habang 80 naman ang pinarusaha­n sa Bureau of Immigratio­n (BI) dahil sa pagkakasan­gkot sa iba’t ibang uri ng korapsyon at katiwalian. Makaraang tukuyin sa limang ahensya na tutukan ng binuong task force ng Department of Justice (DOJ), iniulat ng BOC na aabot sa 135 nilang tauhan ang isinailali­m sa imbestigas­yon mula noong Enero 2019 hanggang Oktubre 26, 2020. May 45 ang sinampahan ng kasong administra­tibo sa BOClegal Service, pito ang sinampahan ng kasong kriminal sa DOJ habang may 157 kaso na naisampa sa Office of the Ombudsman at 28 kaso ang iniimbesti­gahan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI). Bukod dito, kabuuang 298 kaso ang nakabinbin pa sa BOCLegal Service, Ombudsman, DOJ, at NBI. Sa kanila pang ulat, nasa 20 tauhan ang nasibak sa serbisyo habang apat pa lamang ang nasususpin­de. Samantala, iniulat naman ng BI na higit 80 tauhan nila ang nasibak o nasuspinde na mula noong 2016 dahil sa pagkakasan­gkot sa mga katiwalian. Sinabi ni BI spokespers­on Dana Sandoval na kumikilos naman umano ang kanilang Board of Discipline para kastiguhin ang mga tiwaling tauhan. Matatandaa­n na 40 tauhan ng BI na sangkot sa “Pastillas Scheme” ang sinuspinde ng Ombudsman. (Danilo Garcia) Pr inted and dist r ibuted by NewspaperD­i rect Copyright © 2010, South China Morning Post Publishers Limited • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • C O P Y R I G H T A N D P R O T E C T E D B Y A P P L I C A B L E L A W

© PressReader. All rights reserved.