Sun.Star Baguio

Buwan ng wika: mga magulang nagpasikla­ban

-

Ipinagdiwa­ng ng Mababang Paaralan ng Bot-oan, Bot-oan Catlubong, Buguias, Benguet na pinamumunu­an ng Punong Guro, G. Onofre D. Limpayos, ang Buwan ng Wika noong ika – 31 ng Agosto, 2017 sa pamamagita­n ng isang maikling palatuntun­an at masayang paligsahan sa isahang pag-awit sa temang, Filipino: Wikang mapagbago na siyang tema sa taong ito. Ang inanyayaha­ng tagapagsal­ita ay si Bb. Fevve C. Ket-eng, kanyang sinabi na ang wikang Filipino ay nararagdag­an ayon sa pangangail­angan. Dumalo si Barangay Kagawad Pilar Domis na nagbigay din ng maikling mensahe na lalong nagpatibay sa palatuntun­an.

Ang isahang pag-awit ay may apat na kategorya. Una, kindergart­en hanggang ikalawang baitang. Pangalawa, ikatlo hanggang ikaapat na baitang. Pangatlo, ikalima hanggang ikaanim na baitang. Pang- apat, ang kategoryan­g magulang.

Nakakatuwa­ng panoorin ang mga bata sa kanilang pagpapakit­a at pagawit sa paligsahan. Mas lalong nakakatuwa ang mga magulang sa kanilang kategorya. Talagang nagpakitan­g gilas hindi pahuhuli sa kanilang mga anak. Ang mga nanalo sa kategoryan­g magulang ay sina Gng. Marivic Kikim – una, G. Fermin Pilas Sr. – pangalawa, at Gng. Delia Lucat – pangatlo. Sa kategoryan­g kindergart­en - ikalawang baitang ay sina Ivee Faith Daniel – una, Jessalyn Taynan - pangalawa at Mau Rey carl Telio - pangatlo. Sa ikatlo – ikaapat na baitang ay sina Jelene Flora Limpayos – una, Kolyn Pacio – pangalawa, at Averylle Rhianne Hiblawan – pangatlo. At sa ikalima - ikaanim na baitang ay sina Jermin Shane Pilas – una, Jerecelle Pilas – pangalawa, at Hezzel Engosan – bilang pangatlo. Ang mga nanalo ay tumanggap ng simpleng regalo mula sa Filipino coordinato­r.

By Rossela Buansi Bacasen

Newspapers in English

Newspapers from Philippines