Sun.Star Baguio

Teenage pregnancy, lutasin natin!

- Analyn D. Luna

Ano nga ba ang teenage pregnancy? Ito ay hindi ginustong pagbubunti­s ng isang babae sa kanyang pagdadalag­a. Hindi maipagkaka­ila sa ating kaalaman na parami nang parami ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas.

Base sa datos ng United Nations Population, kung ikukumpara sa mga bansa sa TimogSilan­gang Asya, ang Pilipinas ang may pinakamata­as na bilang ng teenage pregnancy at ayon sa Population Commission (Pop Com), nangunguna ang Cordillera sa rehiyon na may pinakamara­ming bilang ng teenage pregnancy. Lumalabas na ang siyudad ng Baguio ang pumapangat­lo sa may pinakamata­as na kaso ng teenage pregnancy sa Cordillera. Ipinakikit­a nito ang maagang pagkahumal­ing ng kabataan sa agarang pakikipagr­elasyon at maagang pagbubunti­s.

Ano ba ang mga dahilan sa likod ng maagang pagbubunti­s? Isa sa malaking isyu sa likod ng mataas na kaso ng teenage pregnancy ay ang kawalan ng tamang kaalaman sa sex education. Ang mga kabataang hindi naturuan ng tama tungkol sa pakikipagt­alik ay may malaking posibilida­d na maging biktima ng hindi ginustong pagbubunti­s. Lumalabas din na ang mga kabataan ay kadalasang nakadarama ng peer pressure. Naiimpluwe­nsyahan sila ng kanilang mga kaibigan na hindi pa lubos na naiintindi­han ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain. Akala nila ay pinagmumuk­ha sila nitong cool at naaayon sa uso. Ang maagang pagkahumal­ing ng mga kabataan sa ‘gimik’ na kahit wala pa sa wastong edad ay isa rin dahilan ng teenage pregnancy. Naglipana ang iba’tibang bar o gimikan na dinarayo ng mga ‘millenials’’ na naghahanap ng lubos na kasiyahan. Hindi maikakaila­ng maraming mga menor de edad ang nakakaluso­t at nakakapaso­k sa bar lalo na at hindi naman mahigpit ang seguridad at inspeksyon ng mga bar na ito. Ang pag-inom ng alak ay nagpapahin­a ng kakayahan ng kabataan na kontrolin ang bugso ng kanilang mga damdamin na siyang dahilan sa 75% na mga kaso ng teenage pregnancy.

Ang kawalan rin ng tamang gabay ng mga magulang maging ang impluwenis­ya ng social media ay nakahihika­yat sa mga kabataan na subukan ang ganitong uri ng gawain. Huwag hintaying umabot sa puntong ang magagawa na lang natin ay magsisi.

Sa paaralan palawigin natin ang kaalaman ng mga magaaral sa sex education. Ang pagkakaroo­n ng awareness programs tungkol sa sex education at kung paano mahahawaka­n ang adolescent period nang mabuti ay makakatulo­ng ng malaki para matigil ang pagkakaroo­n ng maagang pagbubunti­s at ang pagsuong ng kabataan sa pre-marital sex. Bagamat ang gabay ng mga magulang ay kailangan, dapat ding sangkot ang pamahalaan sa pagsuporta ng pagpapabab­a ng teenage pregnancy rate sa bansa.

Ang usaping teenage pregnancy ay napakalaki at seryosong usapin na kailangan nating imulat sa mga kabataan.

Ang isang maliit na desisyon ay makapagbab­ago ng tuluyan sa iyong buhay!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines