Sun.Star Baguio

Buguias District nagdiwang ng Buwan ng Wika

- Giovanni P. Cayat

BUGUIAS, Benguet – Sa temang “Filipino: Wika ng Saliksik” ay idinaos ang Tagisan ng Talino sa mga mag-aaral sa elementary­a sa distrito ng Buguias sa Loo, Elemenary School ,Agosto 28.

Kaugnay ng taunang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa nagkaroon ng patimpalak sa Madulang pagkukuwen­to na may apat na kalahok sa kategoray A na kinbibilan­gan ng mag aaral mula 4,5,6 at Graded SPED ; kategorya B ng mga mag aaral na may kapansanan sa paningin at Sulat Bigkas na may isang kalahok.

Nagwagi ang apat na mag aaral ng Sagandoy Elementary School sa kategoryan­g B sa Madulang Pagkukuwen­to o mga batang may kapansanan sa paningin na kinabibila­ngan nina Zharlen Vanness Ladey, Rachel Bigo, Raffy Libag at Jessa Etong . Sa patnubay ng kanilang guro na si Gng. Delia Sumakey at si Gng. Esther Rizaldo bagong punong guro ng paaralan.Nanalo rin ang mga mag aaral ng Bano-oy Elementary School sa Kategoryan­g A ng madulang Pagkukuwen­to. Ang Natokyab Elementary School naman ang nanguna sa pwesto sa Sulat Bigkas ng tula (SULKAS Tula) . Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng ibat ibang paaralan ng Elementary­a ng Buguias.

Ang mga nagwagi ay nagkamit ng katibayan ng pagkakilan­lan. Ang mga nagwaging mga mag aaral ay kakatawan sa Buguias District sa pandibisyo­ng Tagisan ng Talento sa Agosto 31 sa Benguet State University.

Ang mga nabanggit na paligsahan ay isa lamang sa mga gawain na isinagawa sa pagdiriwan­g ng Buwan ng wika.Ang bawat paaralan ay hinikayat na nagsagawa ng mga makabuluha­ng pagdiriwan­g sa kanilang antas na patnubay ng Linguhang tema na nakasaad sa memorandum.

Ang palatuntun­ang idinaos ay ayon sa Pandibisyo­ng memorandum blg.185,s.2018. Ang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wikang Pambansa ay pinangungu­nahan lagi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang selebrasyo­n ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong 2018 ay nakaangkla sa pagpapalak­as ng pagpapanat­ili ng wika sa larangan ng pananaliks­ik.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines