Sun.Star Baguio

80 guro sa filipino, dumalo sa pagsasanay­palihan

- Marissa Martin

DAHIL sa lumabas na resulta ng pagtatasa hinggil sa pangangail­angang ituro ang kritikal na nilalaman ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral, idinaos ng Sangay ng Benguet ang tatlong araw na Pandibisyo­ng Pagsasanay-Palihan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Pagsulat ng Filipino sa Baitang 4-6 na ginanap sa Ecolodge, Baguio City noong Marso 13-15.

Bawat distrito ng mga paaralan ay may nakalaang limang kalahok bilang kinatawan sa nasabing pagsasanay-palihan.

Ang nasabing palihan ay pinamunuan ni Macarthy Malanes ng SDO-Benguet. Kabilang naman sa mga tagapagdal­oy sina Benilda Mendoza ng Pacalso ES, Itogon I, Corazon Juguilon ng Bekkel ES, La Trinidad, Jennifer Cayat ng BSPED Center, LT, Ofelia Inso ng Lubas ES, LT, at Leilanie Estole ng La Trinidad Central School.

Ayon kay Malanes, batay sa resulta ng National Achievemen­t Test (NAT) na ginanap sa mga nagdaang taon, ipinapakit­a rito na ang isa sa mga kasanayan kung saan mababa ang nakuhang marka ng mga mag-aaral ay ang pagsulat. Ito ang naging batayan kung kaya’t nabuo ang konsepto ng pagdadaos ng nasabing palihan.

Dumalo rin sa palihan si Rizalyn Guznian, CID Chief ng Sangay ng Benguet kung saan nagbigay siya ng mensahe ukol sa paksa.

Sa pagtatapos ng palihan, ang mga kalahok ay inaasahang mailapat ang mga angkop na dulog at estratehiy­a na kanilang natutuhan sa pagtuturo ng pagsulat sa kani-kanilang paaralan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines