Balinguyngoy
EIGHTY years ago, the Institute of National Language reached a decision that, to this day, has failed to persuade many who are not native speakers of Tagalog.
The eight-man institute, chaired by the Bisaya Jaime de Veyra and whose members included the Cebuano Filemon Sotto, said that after studying various Philippine languages, they had decided unanimously to choose Tagalog as the basis of the national language.
However, the institute also recommended to President Manuel Quezon that the adoption of a national language, which would be developed on Tagalog foundations, should not “in any way” affect the requirement that lessons in public schools should be taught mainly in English.
Thanks to this bilingual policy, English-speaking foreigners who wander around the country will find that in most parts, many of the Filipinos they interact with will have a functional grasp of English.
The grammar may be imperfect and the lexicon somewhat limited, but most people will know enough English to help tourists.
The families of many workers in the business process outsourcing sector are fed because this policy has remained. It is also thanks to this policy, however, that a widely used Filipino language remains a dream.
Except for parts of Luzon, children live and play and dream in languages other than Tagalog.
As someone whose mother tongue is Sugboanong Binisaya and who works in English, I speak a version of Tagalog that is fractured, at best: enough to explore Manila’s streets or to understand what goes on in a “teleserye”, but nowhere near enough to embrace Tagalog literature with. It’s a loss I have come to accept.
Walumpong taon na ang nakalipas mula nang ang Instituto para sa Pambansang Wika ay nagpasya. Gayunpaman, karamihan ng mga Pilipinong hindi Tagalog ay hindi pa rin sang-ayon sa kanilang desisyon hanggang ngayon.
Sila’y nagkaisa, pagkatapos ng kanilang pagsisiyasat ng iba’t-ibang wika, na karapat-dapat lamang na Pilipino ang maging batayan ng pambansang wika. Ang Bisayang si Jaime de Veyra ang nagsilbing tagapangulo ng instituto, at isa sa kanyang pitong mga kasapi ay ang Cebuanong si Filemon Sotto.
Pinayuhan nila si Pangulong Manuel Quezon na habang isinusulong ang wikang pambansa, kailangan ding manatili ang pagtuturo gamit ng Ingles sa lahat ng pampublikong paaralan. Dahil sa bilingguwal na patakarang ito, ang mga dayuhang Ingles ang wika habang naglalakbay sa Pilipinas ay naiintindihan ng karamihan ng mga Pilipino.
Halos lahat ay marunong magIngles, hindi man ganap ang balarila o malawak ang talasalitaan. Kaaya-aya ang pamumuhay ng mga pamilya ng sangkatutak na manggagawa sa sektor ng business process outsourcing, nang dahil sa patakarang ito.
Subalit dahil din sa patakarang ito, nanatiling panaginip ang pagkakaroon ng isang wikang tunay na pambansa. Maliban lamang sa mga bahagi ng Luzon, ang ating mga mag-aaral ay namumuhay, naglalaro at nangangarap gamit ang samot-saring mga wika, hindi lamang Tagalog.
Bilang isang Bisaya na naghahanapbuhay gamit ang wikang Ingles, ang aking Tagalog ay tasado at pauntul-untol: sapat upang makapagpasyal sa Maynila o maintindihan ang mga teleserye, datapuwat hindi sapat upang matutunang mahalin ang panitikang Tagalog. Tanggap ko na ang kawalang ito. (At balinguyngoy po sa Tagalog ang “nosebleed.”)