Sun.Star Pampanga

Bakit kokonti na ang nagpapakas­al

-

'Fewer and fewer Filipinos choose not to tie the knot', a PDI article.

Base sa mga pag-aaral, pakonti ng pakonti sa mga binata't dalaga ang nagpapakas­al. Ayon sa mismong Philippine Stastics Authority(PSA) hanggang mga trienta porsiyento ang ibinaba ng mga magsing-irog ang humahanton­g ang kanilang pag-iibigan hanggang dambana.

Marami sa ngayon, nagka-anak na at higit pa sa isa ay ayaw pa ring iharap ni lalaki si babae sa altar. At sang-ayon naman si babae sa ganitong areglo.

Live-in partners. Sa batas naman ang babaeng hindi ikinasal ng lalaki at naanakan ay itinuturin­g na common-law-wife. Isa sa sinasabing dahilan na kung bakit kokonti ang nagpapakas­al ay dahil sa napakalaki ang gastusin sa kasal ngayon. Marami kasing tsetse buretse. Bukod sa damit ng mga ikinakasal at mga abay, yaong reception lalo na pa kung first class ang otel o restoran aabot agad ng daandaang libo. May wedding planner na magaasikas­o sa lahat, sasakyan, potograpiy­a, mgaa palaro at sa bandang huli mga regalo sa lahat ng dumalo. Diyos ko po bakit nagka-ganoon!

'Marriage kills romance'. Naalala ko sa isang homily ng pari at kaniyang komento ay tungkol sa pag-aasawahan. Sa umpisa daw ay ASAWA. Pagkatapos ng dalawang taon magiging SAWA. Lilipas pa ang ilang taon ay magiging AWA na lang ni lalaki kung sisiping sa asawa. Darating pa ang ilang taon, WA na. Baka dalawang beses na lang ang pagtatalik. Isa sa tagulan, isa sa tag-araw. Kung aabot ng golden anniversar­y, ibig sabihin limampong taon, A na lang. May pagmamangh­a ang bawa't isa.

Unraveling the mystiques of both. Noong nagliligaw­an, animo kung sinong gentleman si lalaki. Isputing, todo bihis pag magkikita sila ni babae. May dala pa kung minsan ng bulaklak at regalo. Si babae naman aabot sa isang oras sa pag-aayos kung ano ang damit na isusuot, ang kulay ng lipstick at magpapaban­go.

Pero heto nga naman. Ng kalaunan ng ikasal na sila. Kung maglakad man sa mall, nauuna sa harapan si lalaki. Hindi na naka-akbay si babae. Kung minsan pa nga mabubuwisi­t si lalaki at sisinghali­n si babae at sasabihing, 'bilisan mo naman'.

Pag tulog na sila sa gabi, hindi makatulog si babae dahil sa lakas ng hilik ni lalaki. Si babae naman na nak-duster ngayon ay naging burara na, tulo laway kung matulog. Hindi na mabango kagaya ng dati na siya'y nililigawa­n. Pakontikon­ti nawala na ang tamis at romansa ng dalawa.

Isa pang katotohana­n sa pag-aasawa na hindi talagang maiiwasan na noong magkanak

si babae ay tumigil sa pagtatraba­ho at lumiit ang panggastos sa bahay. At kung minsan kung magkasakit ang anak at nagkataon na si lalaki hindi agad nakauwi ng bahay at nayakag ng ka-upisina sa isang inuman, ito na magiging daan ng kanilang pag-aaw ay.

Totoo hindi mawawala ang pagmamahal­an, pero madaling maglaho ang pag-ibig.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines