Sun.Star Pampanga

Free medical at dental check-up sa PRO3

-

Halos umabot sa 300 na pasyente na kung saan karamihan mga pulis at kanilang mga kamag-anak ang nakinabang sa free medical at dental check-up na isinagawa noong Biernes sa Multi-Purpose hall sa Camp Olivas, Pampanga.

Sa pakikipag-koordinasy­on ni Bernard Galang ng People’s Journal at dating President e ng Police Regional Office-3 (PRO3) Press Club kay Pol Gutierrez, President e ng National Press Club nagkaroon ng Free Medical at Dental Check-up sa PRO3.

Maagang nagsimula ang nasabing aktibidade­s na kung saan maaga din nagsidatin­g ang mga Philippine National Police (PNP) personnel upang magpa-check-up.

Mga doktor, dentist ang dumating sa nasabing proyekto at mayroon din Mobile Clinic para sa laboratory.

Nagkaroon din ng check-up sa mata at libreng salamin.

Sa pamamagita­n ni Pol Gutierrez natuloy ang Free Medical at Dental Check-up sa pamamagita­n na pakikipag-ugnayan niya sa Kamanggaga­wa Foundation Inc., at Ang Dating Daan Foundation Inc.

Ang dalawang nabanggit na foundation ang naging sponsor ng proyekto.

Naging matagumpay ang Free Medical at Dental Check-up na inilunsad noong Biernes. ***** Noong Biernes din iyon nagkaroon ng election of officers ang PRO3 Press Club.

Ang Inyong Lingkod ang nahalal na Presidente, Jun Malig ng Rappler ang Vice-President, Rudy Abular ng People’s Journal ang Secretary, Jess Malabanan ng Interaksyo­n tv 5) ang Treasurer, Raul Suscano ang Auditor.

Si Bernard Galang ng People’s Journal ang chairman of the board at ang mga Directors ay sina Buddy Arevalo (Remate), Froilan Magtoto (Manila Times), Mike Escote (Brigada fm radio), Ding Cervantes (Philippine Star), Ria De Fiesta (Sun Star Pampanga) Marna Dagumboy (iorbit news) at Chris Navarro (Sun Star Pampanga).

Sina Cris Sansano (Interakyon tv5) at Grace Sansano (dzRH) bilang guest member.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines