Sun.Star Pampanga

ADDA ipapatupad sa Central Luzon

-

Matatandaa­n ipinatupad ng Land Transporta­tion Office at Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang Anti-Distract Device Act (ADDA) sa buong Metro Manila.

Sa unang paglunsad ng ADDA ilang mga motorista ang nahuli dahil sa paggamit ng kanilang mga cellular phone.

Sa unang paglabag nila ay nagmulta ang mga ito ng P500 at kung mamahuli pa ng pangalawan­g beses ay tatataas ang presyo ng kanilang multa.

At sa pangatlong mahuli ang mga ito ay kukumpiska­hin ang mga driver license ng mga ito.

Sa isinagawan­g pagpupulon­g ng mga miyembro ng Regional Advisory Council (na kung saan isa sa miyembro ng Ingyong Lingkod) at ng Highway Patrol Unit-3 napag-usapan ang paglulungs­ad ng ADDA sa Central Luzon.

Yes, hindi lang sa Metro Manila ipapatupad ang ADDA maging sa Central Luzon

Makikipag-ugnayan ang Highway Patrol Unit-3 kasama ang miyembro ng RAC sa pamumunuan ng Land Transporta­tion Office-3.

Nitong linggo ito, makikapag-coordinate ang Highway Patrol Unit3 kasama ang RAC member nito upang pag-usapan ang paglulunsa­d ng ADDA sa Central Luzon.

Kaya kayong mga drayber hihinto na ninyo ang paggamit ng inyong mga cellular phone at iba pang bagay na maaaring makaistorb­a sa inyong pagmamaneh­o.

Hindi biro ang gagawing pagpapatup­ad ng ADDA ng Highway Patrol Unit3 at LTO3 dahil lahat ng mga drayber makikitang gumagamit ng cellular phone habang nagmamaneh­o ay sisitahin ang mga ito.

Sa pagpapatup­ad ng ADDA, maraming mga jeepney driver ang mahuhuli ng Highway Patrol Unit3 at LTO.

Kaya kayo mga mahilig magtex at makipag-usap sa cellular phone hihinto na ninyo dahil tiyak na mahuhuli kayo ....

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines