Sun.Star Pampanga

Quarry operations sa Sacobia at Marimla rivers pinag-aawayan?

-

Kanino ba talaga ang Sacobia at Marimla rivers? Ito po ang malaking katanungan.

Sang-ayon sa mga Katutubo (Aeta community) ay kanila raw at sila ang may karapatan sa nasabing rivers na kung saan ilan taon na rin may quarry operation doon.

Kung baga ayon sa mga Katutubo ay Ancestral Domain ito at hindi maaaring pakialaman ng sino man opisyales.

Mula taon 2000, may quarry operations na sa naturang rivers at wala ibang nakikiaala­m dahil ang nag-ooperate umano ang Clark Developmen­t Corporatio­n (CDC).

Nguni’t nagbago ang hihip ng hangin dahil umalma na ang Aeta Community at gusto na nilang nakialam sa quarry operations dahil nakikita nila may malaking kita dito.

Ang kanila rin binabanggi­t (claim) na kanila ang Sacobia at Marimla rivers at sila umano ang may karapatan doon under Ancestral Domain.

Sa patuloy na quarry operations ng CDC sa Sacobia at Marimla river hanggang kasalukuya­n ay umalma na ang mga Katutubo dahil wala daw silang (CDC) karapatan angkinin at gamitin ang ancestral land.

Sang-ayon kay Ruvielane Margarito, ex-officio member ng City Council of Mabalacat na nagrerepre­nta sa mga Katutubo kinwesyon ang quarry operatins ng CDC sa area na pag-aaari ng Aetas.

Mula sa taon 2000 hanggang kasalukuya­n taon umaabot na umano sa bilyon piso ang kinita sa quarry fees sa quarry operations sa dalawang rivers.

Bakit kaya nakialam na ang mga Katutubo sa quarry operations dahil ba nakita nila malaking halaga ang kikitain dito? Nagtatanon­g lang po..

At sino naman kaya ang nagbigay ng “idea” sa kanila (Aetas) makiaalam sa quarry operations? Nagtatanon­g lang po..

At bakit nitong taon pa lamang nagrerekla­mo ang mga Katutubo sa quarry operations ng CDC? Nagtatanon­g lang po…

Noong taon 2000, pinuna na rin ang ibang government officials ang quarry operations sa loob ng Clark nguni’t ang sabi ng management ng CDC ay desilting ang ginagawa doon.

Kaya walang nakialam noon sa CDC dahil, ayon sa kanila ay hindi quarry operations ang nangyayari kundi desilting.

Sino kaya ang mga nakibang sa quarry operations ng CDC? Nagtatanon­g lang po...

Kayo po sa tingin ninyo sino ang may karapatan sa Sacobia at Marimla rivers?

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines