Sun.Star Pampanga

Mag-ingat sa mga Riding -in-tandem

-

Nagsimula na naman ang mga Riding-In-Tandem (RIT) sa kanilang snatching sa Pampanga.

Matatandaa­n laganap ang robbery/ holdup na kagagawaan ng RIT armed men hindi lang sa Pampanga kungdi sa iba pang lalawigan sa Central Luzon.

Nahinto ang iligal na gawain ng RIT armed men nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte at sinimulan nito ang kampanya nito sa illegal drugs.

Mula noon naibsan ang robbery/ holdup incident dahil sa malawakang kampanya ni Duterte sa illegal drugs.

Nguni’t nitong nakaraang ilang linggo, dalawang insidente ng robbery/ holdup ang naganap sa City of San Fernando.

Isang nakilalang Jocelyn ang nagging biktima ng RIT armed men nang tangayin ang kanyang bag.

Nangyari ang naturang snatching malapit sa gate ng Cherhill subdivisio­n, ayon sa police report.

Naglalakad noon ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang tumabi ang isang motorcycle na may sakay na dalawang lalaki, ayon sa report.

Biglang hinablot ng mga suspek ang bag ni Jocelyn at pagtakapos sabay pinahuhuro­t ang kanilang motorcycle patungong Angeles City.

Ang biktima ay natulala at ni hindi ito nakasigaw na hinablot ang kanyang bag.

Isang estudyante ang naging biktima din ng mga holdaper. Ito’y naganap sa harap ng San Fernando Elementary School.

Pagbaba sa jeepney ng estudyante, tinutukan kaagad ito ng isa sa mga suspek at sabay sinabihan ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang mga kagagamita­n.

Walang magawa ang estudyante at ang mga suspek ay tumakbo patungong sa Barangay Lourdes.

Sa naturang dalawang insidente, dapat gumawa ng aksyon ang City of San Fernando pol i ce.

Pababayaan na lang ba natin ang mga RIT mag-operate sa City of San Fernando?? Nagtatanon­g lang po...

Ano na ba ginagawa ng hepe ng City of San Fernando?? Nagtatanon­g lang po??

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines