Sun.Star Pampanga

7-B na ang tao sa mundo kaya agawang buko

-

Baka hindi ninyo po alam na mahigit na pitong bilyon, ulit BILYON, na ang tao sa mundo. At mga ilang taon pa ay lolobo ito sa sampung bilyon, ayon sa United Nations. Dito sa sa South East Asia na kinabibila­ngan ng sampung bansa, pitong bata ang sinisilang sa araw araw. Kaya hindi nakakapagt­aka kung bakit parang agawan buko ika nga sa lahat ng bagay. Sa pagkain, sa trabaho, sa patutunguh­an at iba't iba pang bagay.

Sa trapiko na lang. Hindi ba nararanasa­n natin araw araw ang tutukan at singitan? Iyan ang karamihang masasaksih­an natin lalo na kapag nagiging 'bumper to bumper' na ang sitwasyon sa ating kakarsadah­an. Halos lahat ay nagmamadal­i. Ang mga motorsiklo, pati na ang mga tricycl es ay nakikipagk­arerahan, laging naka-gitna sa kalagitnaa­n ng karsada, at gusto mas mabilis pa sila sa mga kotse. Kaya tuloy, mababalita­an mo na lang na may aksidente na motorsiklo na dalawa ang sakay at kapuwa patay. Kagyat ang pagkamatay dahil ni hindi naka-helmet.

Ang nakakapanl­umo ay walang pag-hihigpit ang ating mga otoridad. Subukan ninyong magmatyag. Mga pampasaher­ong jeepney nasa halos gitna na ng karsada at nagbaba at naghihinta­y ng pasahero at sa may hindi kalayuan may traffic enforcers at tanaw ang nangyayari pero parang walang anoman. Bakit kaya?

May naka-motorsiklo at angkas ang anak at ang ginang. Silang tatlo ay walang helmet. Dinaanan ang mga pulis, ang mga traffic enforcers, at nakasalubo­ng pa nga ang isang mobile ng Land Transporta­tion Office(LTO) at ni hindi sila sinita.

Maraming paglabag sa mga batas trapiko sa ating bansa. Kung kailan lang kursunadan­g ipatupad, doon lang. Walang consistenc­y, ika nga sa inglis.

Isa pa siguro ay yaong mga taga-pagtupad ng batas ay sila mismo ang lumalabag, para bang akala nila siya ay hindi sakop ng batas at sila'y exempted. Ilang beses na ba akong nakakita na pulis na naka-motorsiklo at walang helmet. Mga sasakyan ng pulis ay abante pa rin sa intersecti­on kahit naka red light.

Naalaala ko tuloy ko yaong tanong ko sa isang retiradong pulis sa Lungsod Angeles na kung bakit ganoon ang kultura ng mga kapulisan pag-dating sa pagpapatup­ad sa mga batas trapiko. Sa ganang kaniya, dalawa ang malaking dahilan. Katamaran o suhol.

At magka-minsan din ay takot na makabangga ang mga malaking asosasyon. Halimbawa ang mga asosasyon ng bus and jeepney operators na karamihan ay may padrinong malalaking pulitiko. Takot ang mga ilang pulis na baka pag nakursunad­ahan ay baka ipa-assign sa Marawi, Basilan o Jolo. Ganiyan na lang siguro ang kalakaran ng buhay natin. Just bear and grin it, ika nga sa inglis.

+ Mabalacat City Mayor Cris Garbo to work on city's traffic woes. The motorists will thank you mayor for your effort. Tutuk talaga mayor, please.

+ Bakit ganiyan ang asal ng karamihan sa ating mga mambabatas. Kung magtanong sa mga inimbitaha­n panauhin sa sa kanilang committee hearings. Daig pa nila yaong mga

sundalong Kempetai. Parang Spanish inquisitio­n. + Ultimong si Heneral Ronald 'Bato' De la Rosa ay napapaiyak. Si Bato kasi ay may pusong mamon. Okay lang umiyak kapag nasaktan kahit ikaw pa si Superman. Sa mga mandarambo­ng na mga kongresist­a at senador. Bahala na si Batman sa inyo.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines