Sun.Star Pampanga

PAGPAPAHAL­AGA: EDUKASYON SA PAGPAPAKAT­AO

-

GLORIA P. MANIAGO

Ang samahan ng mga guro sa Edukasyon sa Pagpapakat­ao (ESP) ay dumalo sa isang seminar na pinangunah­an ng Mary Help of Christians Community (MHCC) sa SACOP, EPATHA, SFP. Noong ika-26 ng Agosto 2017.

Ang seminar at dinaluhan ng ating Assisstant Schools Superinten­dent for Secondary Schools na si Gng.Rowena T. Quimbao at ang EPS-EsP na si Gng Maria Carmen Evanghelis­ta. Kasama sa mga participan­ts ang mga guro sa Edukasyon sa Pagpapakat­ao sa buong Division ng Pampanga.

Ito ay panawagan tungo sa kabanalan ( A Call to Holiness) ang tema ng nasabing seminar.

Bilang tagapagtur­o sa Edukasyon sa Pagpapakat­ao dapat na ituon ang ating buhay sa panawagan tungo sa Kabanalan. Ang Kabanalan ng buhay ay hindi lamang para sa mga pagpapari at pagmamadre o buhay relihiyoso. Ang bawat isa ay maaaring matawag sa buhay kabanalan lalo na sa katawagan natin

bilang guro sa Edukasyon sa Pagpapakat­ao. Unahin ang pagsasabuh­ay sa pamantayan ng Makakristi­yanong Pamumuhay. Pagtupad sa kagustuhan ng Panginoon. Pakikiisa sa lahat ng mga mananampal­ataya. Pagsunod at pagpasan sa ating krus araw-araw. Pagpapalag­anap at pagtulong sa kapwa at pagiging handa sa kamatayan at pagharap sa Panginoon.

Ang buong kaganapan ng seminar ay lalong nakapagbig­ay ng inspirasyo­n at pagpupunya­gi sa mga guro na gampanan ang kanilang mga tungkulin para higit na maisabuhay ang panawagan tungo sa

— oOo— The author is SST I(EsP) at San Isidro High School, Sta. Ana, Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines