Sun.Star Pampanga

UPDATING…

-

EILEEN JANE M. GARCIA

Ilang beses ka na bang nagpali tng profile pix sa facebook? Ilang beses kang nag-upload ng mga pictures mo sa instagram? Ilang beses mo na bang sinearch ang mga profile accounts ng mga beshies mo? Ilang beses na nga ba?

Siguro marahil,halos araw- araw nating nagagawaya­n, walang labis, walang kulang. Pero bilang isang pinagkukun­an ng kaalaman ng mga mag- aaral, na update mo na ba ang iyong kaalaman?

Isa sa ating mga armas bilang mga guro upang maging isang 21st century children ang ating mga pinaglilin­gkuran ay ang pagkakaroo­n ng kaalamang pang 21st century din. Hindi mo maibibigay ang wala ka,hindi ba, mga kaguro? So, sa paanong paraan ka magkakaroo­n?

Ang pagpapaunl­ad sa kaalaman tulad ng pag- eenrol sa graduate school ay isang napakalaki­ng hakbang upang lalong mahasa at maihanda ang ating mga sarili sa mga makabago at napapanaho­ng mga stratehiya at technique sa pagtuturo. Dahil din dito, lagi tayong napapaalal­ahanan sa mga tungkulin at responsibi­lidad bilang manghuhubo­g ng mga bata na dapat nating isapuso, isaisip at isagawa.

Ang paglahok sa mga seminar workshop ay isa ring napakalaki­ng dagdag kahusayan. Nagkakaroo­n pa tayong pagkakatao­ng makasalamu­ha ang mga guro sa iba’tibang lugar na siyang magbibigay ng mga aral sa atin mula sa kanilang mga eksperiyen­sya. Pagbabasa sa mga blogs sa internet tungkol sa edukasyon ay makatutulo­ng din.

At higit sa lahat, lagi nating isipin na isa tayong instrument na ginawa ng Diyos upang hubugin at linangin ang mga mag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasa­n kaya huwag tayong tumigil sa pag- iisip ng mga paraan upang makasabay tayo sa mabilis na agos ng pagbabago. — oOo— The author is Teacher III at Baliti Elementary School, Arayat West Di st r i ct

Newspapers in English

Newspapers from Philippines