Sun.Star Pampanga

Sino kaya ang magiging CD ng Angeles City Police?

-

Matatandaa­n noong August 20 nitong taon, kusang umalis sa kanyang puwesto si Senior Superinten­dent Patrick Villacorte, Angeles City police director.

Si Villacorte ay natalaga ngayon sa PRO-8 bilang Chief Directoria­l Staff (CDS). Isang promotion sa kanya ito.

Mula noon hanggang sa kasalukuya­n, wala pa rin nauupong kapalit ni Villacorte sa kanyang iniwan na puwesto. Dapat, noong umalis sa kanyang pwesto si Villacorte, si Senior Superinten­dent Enrico Vargas ang kanyang kapalit.

Nguni’t sa hindi malaman dahilan nagkaroon ng abirya sa pag-upo ni Vargas sa Angeles City police.

Kaya naman mula noong Septiembre 11, si Senior Superinten­dent Ronald Llanera, Deputy Regional Director for Operations (DRDO) ang itinalaga ni Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office III director, bilang officer-in-charge. Hanggang ngayon si Llanera pa rin ang OIC ng Angeles City police hangga’t wala pa itong nauupo si Corpus bilang kapalit ni Villacorte.

Marami na rin mga Senior Superinten­dent ang naghahanga­d sa Angeles City police, ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline.

Marami din qualified sa nasabing puwesto nguni’t may bagong Policy ang PNP na kung saan kinakailan­gan ang isang mauupong provincial police director(PD) o city police director (CD)ay may kursong PD or CD.

Kaya ang dapat umupo sa iniwanan na puwesto ni Villacorte dapat ay may CD course?

Ito ay mandatory at dapat ipatupad ng PNP. Sino kaya ang masuwerten­g mauupong CD ng Angeles City police?

Abangan po natin ang masuwerten­g senior superinten­dent…

***** Binabati ng Dateline ang lahat ng mga na-promote.

Ang na promote mula SPO2 to SPO3 ay sina Percival N. Danganan, Melita C. De Jesus, Liza B. Gamboa, Erna Dela Pena, Renato C. Quizon, Lailani P. Moulic, Aillen B. Balisi, Noelson V. Mendoza, Floerfida V. Canbat at Rhodora Cortez.

Ang na promote mula SPO1 to SPO2 ay sina Randy A. Barredo, Elsa D. Casupanan, Christian John R. Bautista, Ela Marie S. Santiago at Maria Gerlyines B. Pacubas.

PO3 to SPO1 ay sina Jewelle T. Rivera, Silvestre C. Colanza, Lerma P. Castro, Gal Robertson C. Ragodon, Ryan C. Marin, at Reggie T. Gonzales.

Senior Inspector to Chief Inspector naman si Ronnie Fernandez.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines