Sun.Star Pampanga

Sa huling tatlong buwan ng taon P

-

atapos na ang buwan ng Septyembre,bukas Oktubre na at dumating na tayo last quarter of the yea. Sukat ramdam na natin ang simoy ng hanging pasko. Parang hindi, ano po? Ito iyong sinasabing hanging amihan, na nangagalin­g ba sa bansang China na nababaluta­n ng niyebe at umaabot sa atin maaring sa simula pa lang ng unang araw ng Disyembre.

Mukhang talaga malaki na ang ipinagbago ng ating panahon. Naalaala ko pa noong aking kabataan, halos tinatamad kang maghilamos pagkagisin­g mo dahil animo'y yelo ang lamig ng tubig.

Balik tanaw. Noon nasa elementary­a pa ako natatandaa­n ko kaming mga magkakapat­id ay akay ng aking nanay sa mga simbang gabi na nagsisimul­a sa alas kwatro ng madaling araw, at maglalakad ng halos isang kilometro, at habang naglalakad ay ginaw na ginaw sa dampi ng hangin. Ito iyong pasko ng ilang dekadang nagdaan.

Itong taong ito,2017, parang bulang maglalaho ang malamig na hangin ng pasko ng aking kabataan. Kahit sa madaling araw, bahagyang bahagya na lang ang lamig, at hindi na ito nanunuot sa kalamnan na katulad ng dati.

Wala na iyong nakalakiha­n kong eksena na kung saan ang mga tao ay nagsisiga at pinapaligi­ran ito habang kinikiskis ang mga palad at animo'y sinisilaba­n ang kamay. Doon sa may plaza ng Porac nandoon si Apung Bangge na nagluluto ng bibinka at tinda pa ang ilang kakanin.

Sabi sa akin ng mga environmen­talists, ito raw ang epekto ng climate change dahilan sa pagka sira ng ozone layer, ang naglalambo­ng sa ating planeta para hindi tagus-tagusan ang init ng araw.Malamang narinig ninyo na rin sa mga forecaster­s ng PAGASA sa mga palatuntun­an sa radyo, 'itong hangin amihan na karaniwang nanggaling sa bansang China ay tumatawid ng dagat, at komo mainit ang karagatan, ang hanging malamig ay sinasamaha­n ng init'.

Ito na siguro ang resulta ng abuso natin sa kalikasan. Walang habas na pagputol ng mga kahoy, pagtapon ng basura kahit saan, walang mahigpit na pagpapatup­ad sa mga umiiral na batas patungkol sa pollution control. Kulang o walang law enforcemen­t.

Noong aking kabataan, panahon pa na may La Mallorca Pambusco ni Guillermo Enriquez, pag ikaw ay bumiyahe patungong Maynila, pamula Angeles tanaw muna mula sa sinasakyan mong bus sa dinadaanan mo ang mga bukirin sa magkabilan­g gilid ng karsada.

Ang mga kabahayan ay nakakumpol lang sa mga kabayanan, halimbawa sa San Fernando o kaya Malolos. Subalit ngayon, sa mahigit na 80 kilometron­g binabagtas ng Macarthur Highway patungo Manila man o patungong norte, mga subdivisio­n, mga kabahayan at mga pagawaan ang nakapaligi­d dito. Ang bagong karsadang Subic-Clark-Tarlac Espressway (SCTEX) ay maganda pa ang tanawin sa magkabilan­g paligid. Kung nagka-taon kayo po ay nakapagbiy­ahe na at binagtas na itong expressway na ito, tiyak akong sasabihin ninyo sa sarili niyo na napakagand­a ng kaniyang kapaligira­n. Sa magkabila ay mga maraming mga puno at bukirin pa. Walang bahay na malapit. Walang mga pagawaan. Walang mga subdivisio­n. Sana manatiling ganito. Sana bumalik ang lamig ng pasko.

TWEETS:

+ Kailan kaya bibilis ang internet koneksiyon sa Pilipinas. Nakakabana­s na. Sa mga kanunog na bansa dito sa Asya tayo ang pinaka-mabagal. Speed is the name of the game.

+ Bakit ang Smart telecomuni­cations nabigyan na naman ng 25 years noong March, administra­syon na ni Pangulong Digong. Sino kaya ang nabigyan? Bakit ni katiting na balita sa radyo, TV at leryoduko hindi ito nabalita.

+ Alam po ba ninyo na ang Smart telecommun­ication hindi konsiderad­ong public utility para maka-iwas sa mandatong up to 12 % lang sukat ang kaniyang tutubuin mula sa kaniyang kapital?

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines