Sun.Star Pampanga

ANAK NG DALAWANG MUNDO

-

DR. ELENITA S. POLIDARIO

Sa ating pagkatao maraming bagay ang hindi natin hawak, maraming bagay ang hindi natin kontrolado, halimbawa dito ang ating pangalan, bago paman tayo isilang may pangalan ng nakahanda para sa atin. Hindi rin natin mapipili kung sino ang ating mga magiging kapatid at higit sa lahat hindi natin mapipili ang ating mga magulang.

Sino ba yung nakapili ng magulang? Hindi ba’t wala naman? Wala ni isa sa atin ang nakapili ng sariling magulang, wala, kahit pa ang Anak ng Dalawang Mundo ay hindi pinili na maging anak sila ng dalawang taong nabuhay sa magkabilan­g mundo, hindi nila pinili na maging anak sila ng dalawang taong mayroong magkaibang relihiyon at paniniwala, hindi nila pinili na maging anak sila ng dalawang taong nagmula sa magkaibang lugar na mayroong magkaibang kultura at magkaibang wika.

Paano nga ba masasabing ang isang tao ay anak ng dalawang mundo? Una: ang pinaka karaniwang dahilan ay ang bansang pinanggali­ngan ng mga magulang, maraming pilipino ang may magulang na mula sa ibang bansa nandiyan ang mga tsinoy, filam at iba pa.

Pangalawa: estado sa buhay, hindi natin maiiwasang magtagpo ang dalawang tao na nagmula sa magkabilan­g panig ng lipunan, ang mayaman at ang mahirap. Dalawang taong lumaki at nabuhay sa hindi parehong sitwasyon, ang isa ay nabuhay sa luho, isinilang nang may kutsarang pilak sa bibig at isang tao na isinilang para magsumikap, may mga batang nagmula sa pamilyang hindi pareho ng estado sa buhay ang kanilang magulang kaya’t kailangan nilang makibagay sa dalawang uri ng tao sa kanilang pamilya.

Ikatlo: Relihiyon, hindi lingid sa ating kaalaman na karamihan sa mga pilipino kapag kinakasal kailangan ang kanilang kabiyak ay kapareho nila ng relihiyon, pero paano yung dalawang taong nagmamahal­an ngunit hindi pareho ng relihiyon? Marahil sasabihin ng nakararami dito “dalawang bagay lang iyan, magparaya yung isa o di kaya’y pareho silang susuko.” Pero paano kung oo may nagparaya nga upang sila ay magkasama, ngunit sa kanilang pagsasama bigla naisipan niyang balikan ang relihiyon niya noon? Dito muling isinisilan­g ang mga batang anak ng dalawang mundo hindi nila alam kung kaninong relihiyon at paniniwala ang susundin, sa ama o sa ina?

Ano man ang nagiging kaibahan ng dalawang magulang, sa paanong paraan man nagkaiba ang kanilang mundo isa lang ang sigurado, ang batang magiging bunga ay siyang magiging pinaka apektado. Ang anak parin ang may pinakamala­king responsibi­lidad, ang anak parin ang kailangang magdesisyo­n at mahihirapa­n sa pagiisip kung alin ba dapat. Sa anak pa rin ng dalawang mundo maiiwan ang lahat ng pasanin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines