Sun.Star Pampanga

Malamig ba ang pasko?

-

Ramdam niyo ba ang simoy ng hanging pasko? Parang hindi, ano po? Ito iyong sinasabing hanging amihan, na nangagalin­g ba sa mga katabing bansa na may Four Seasons na katulad ng Korea at China na nababaluta­n ng niyebe at umaabot sa atin simula pa lang ng unang araw ng Disyembre.

Mukhang talaga malaki na ang ipinagbago ng ating panahon. Naalaala ko pa noong aking kabataan, halos tinatamad kang maghilamos pagka-gising mo dahil animo’y yelo ang lamig ng t ubi g.

Akay kami ng aking nanay sa mga simbang gabi na nagsisimul­a sa alas kwatro ng madaling araw, at maglalakad ng halos isang kilometro, at habang naglalakad ay ginaw na ginaw sa dampi ng hangin. Ito iyong pasko ng ilang dekadang nagdaan.

Itong taong ito,2017 parang bulang naglaho ang malamig na hangin ng pasko. Kahit sa madaling araw, bahagyang bahagya lang ang lamig, at hindi na ito nanunuot sa kalamnan na katulad ng dati. Ang lamig ay dahil lang sa mga bahagyang ulan dala ng bagyong Urduja na kasalukuya­ng nanalasa sa Eastern Visayas at kabi kul an.

Wala na iyong nakalakiha­n kong eksena na kung saan ang mga tao ay nagsisiga at pinapaligi­ran ito habang kinikiskis ang mga palad at animo’y sinisilaba­n ang kamay.

Sabi sa akin ng kaibigang Rox Pena, isang environmen­talist, ito raw ang epekto ng climate change dahilan sa pagka sira ng ozone layer, ang naglalambo­ng sa ating planeta para hindi tagus-tagusan ang init ng araw.

Sabi naman ng isang forecaster ng PAGASA na narinig ko sa report niya sa isang palatuntun­an sa radyo, ‘itong hangin amihan galing ng bansang China ay tumatawid ng dagat, at komo mainit ang karagatan, ang hanging malamig ay sinasamaha­n ng init.

Ito na siguro ang resulta ng abuso natin sa kalikasan. Walang habas na pagputol ng mga kahoy, pagtapon ng basura kahit saan, walang mahigpit na pagpapatup­ad sa mga umiiral na batas patungkol sa pollution control. Tama ba ako Cecil Yumul?

Noong aking kabataan, pag ikaw ay bumiyahe patungong Maynila, pamula Angeles tanaw muna mula sa sinasakyan mong bus sa dinadaanan mo, ang mga bukirin sa magkabilan­g gilid ng kakarsadaa­n.

Ang mga kabahayan ay nakakumpol lang sa mga kabayanan, halimbawa sa San Fernando o kaya Malolos. Subalit ngayon, sa mahigit na 80 kilometron­g binabagtas ng Macarthur Highway patungo Manila man o patungong norte, mga subdivisio­n, mga kabahayan at mga pagawaan ang nakapaligi­d dito.

Pansinin ninyo ang Subic-Clark-Tarlac Espressway (SCTEX) hanggang diyan sa TIPLEX . Kung nagka-taon kayo po ay nakapag-biyahe na at binagtas na itong expressway na ito, tiyak akong sasabihin ninyo sa sarili niyo na napakagand­a ng kapaligira­n. Sa magkabila ay mga maraming mga puno at bukirin pa. Walang bahay na malapit. Walang mga pagawaan. Walang mga subdivisio­n.

Ito ang aking tanaw sa paligid ng Macarthur Highway mga apatnapung taong nakaraan. Ganoon din kaya ang mangyayari sa paligid ng SCTEX at TIPLEX pagkatapos ng apatnapung taon? Kapag nagka-ganoon, tuluyan ng mawawala ang simoy ng hanging pasko.

Tw eet s:

+ Salamat sa CDC,CIAC AT BCDA sa imbitasyon ninyo sa akin sa Christmas Party na ginanap diyan sa Fontana Convention Center.

+ Salamat din sa kay Mabalacat City Mayor Cris Garbo sa buffet breakfast at regalo na inihandog sa mga media persons, kasali na ako doon.

+ Kinumbida ni negosyante­ng Bong Alvaro ang mga barangay kapitan ng Lungsod Angeles sa isang marangyang piging sa Hotel Midori, samantalan­g ang negosyo niya sa loob ng Clark Freeport ay sakop ng Mabalacat, sabi ng isang peryodista. Hintay lang kayo baka naman magbago isip niya na imbes na mayor sa Angeles ay Congressma­n ang tatakbuhin.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines