Sun.Star Pampanga

Corpus nagbabala sa mga pulis magpapaput­ok ng kanilang baril

-

Mahigpit na ipinagbaba­wal ni Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) sa lahat ng personnel ng Central Luzon police na indiscrimi­nate firing of issued firearms.

Kada taon mayroon pa rin mga pulis ang nahuhuli nagpapaput­ok ng kanilang issued firearms pagsalubon­g sa Bagong Taon.

At ang mga ito ay kinasuhan ng PRO-3, subalit hanggang doon lamang. Kaso lamang hindi naman umusad.

Kaya naman ngayon tinitiyak ni Corpus na kanyang sasampahan kaukulang kaso ang sinumang pulis ang mahuhuling nagpapaput­ok ng kanilang issued firearms.

Kakasuhan ang mga ito ng administra­tibo at maaari din matagal ang mga ito sa serbisyo depende sa isasampa kaso sa kanilang ginawang paglabag sa utos ni Corpus.

Nakatakda din ang pagsilyado ng mga issued firearms ng mga pulis sa darating ng llinggo bago ang pagsapit ng Bagong Taon.

Sa nakaraang taon, sa kabila ng nakasilyad­o ang issued firearms mayroon pa rin nakakaluso­t ng pulis pinuputok ito.

Sang-ayon kay Corpus, bubuo ito ng isang police team upang sila ang mag-monitor sa mga pulis na lalabag sa kanyang kautusan.

Kaya mga personnel ng Central Luzon police, h u w ag magdalawan­g isip ng iputok ang inyong baril dahil hindi nagbibiro si General Corpus na maaari kayo masibak sa serbisyo.

Abangan po natin...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines