Sun.Star Pampanga

Bawal ang pumutok, manarotot na lang

-

Nitong nakaraang Linggo, naganunsiy­o ang pamahalaan ng Lungsod Angeles na bawal magtinda ng anumang uri ng paputok. Kaya, mga kaibigan, tandaan ah. Bawal ang magpaputok. Kasi naman anim na daang katao ang naging biktima ng sari-saring paputok sa tuwing pagsalubon­g sa bagong taon, ayon sa Department of Health. Taon taon na lang ng ganiyan. Babasahin na lang natin sa pahayagan kinabukasa­n kung ilan namang sa kababayan nating matigas ang ulo ang naging pasaway ang naputulan ng daliri, nabulag, or ang masaklap ay binawian ng buhay.

Kailan ba matitigil itong kabaliwang ito sa mga paputok? Ito yaong tanong ng marami sa tuwing pasapit ang bagong taon.Kung walang paputok, walang puputok. Tama, hindi po ba? Kaya tama lang na ang pamahalaan ay i pagbaw al ang pagbebenta ng mga paputok? At kung wala ng paputok, wala ng mapuputula­n ng daliri? Walang mabubulag. Wal an g masasaktan.walang isusugod sa ospital. Hindi ba ganoon lang kasimple yan?

Kaso maraming masyadong matigas ang ulo sa mga kababayan natin. It is easier said than done, ika nga sa inglis. Ang kanugnog na lalawigang Bulacan na tinuturing na firecracke­r capital ng Pilipinas ay kailangan bantayan ng maigi ng mga awtoridad. Si Pangulong Duterte ay may executive order na inilabas at mga regulasyon sa paggawa nito. Kailangan tupdin ito ng mga Local Government Units (LGU).

Tayo na lang yata ang tanging bansa ang gumagamit ng mga paputok sa pagsalubon­g sa bagong taon. Ang lahat ng bansa ay mga fireworks display ang kanilang pamamaraan. Subukin ninyong manood sa telebisyon kung gaano kaganda at kamangha-mangha ang mga fireworks displays ng Beijing,London,Auckland, New York at lalong lalo na iyong firework show sa Dubai. Taon taon yan.

Kung hindi kaya ng national government na ipagbawal o ipasara ang mga fireworks factories, ang alternatib­o ay kopyahin ang Lungsod Angeles at ipagbawal ng bawat lokal na pamahalaan ang pagbebenta nito at higit sa lahat ang paggamit ng anumang uri ng paputok. Lisyang katwiran ng mga fireworks manufactur­ers ay maapektuha­n daw ang kabuhayan ng maraming tao na nasa industriya ng paputok. Alin ba ang mahalaga? Buhay o hanapbuhay?

Zero casualty sa Davao City. Kasi noon pa man na alkalde si Pangulong Duterte ipinagbaba­wal niya na ang paputok, at sinumang mahuhuling gumagamit nito ay tiyak kalaboso ang patutunguh­an. Hindi ka bibiruin o sasantuhin ni Digong Duterte.

Minsan ginawa ng mga mamayan doon sa Davao City sinalubong ang bagong taon sa palakasan sa panonoroto­t. At saka yaong may mga baril, huwag pumutok.(Pinaka malakas yatang manorotot si Digong, Bebot at Tony F. he he he Joke) Ginawa ito sa isang plaza sa kanilang lungsod, at sa dami ng sumali, napabilang sa Guiness Book of World Record. Tinalo ang Tokyo.Kung panonoroto­t lang naman ang pag-uusapan, alam ko kayang kaya nila Mayors Ed Pamintuan, Edwin Santiago, at lalong lalo na si Cris Garbo gawin ito, at dagdagan ng ang mga palabas sa mga parke o plaza na lalahukan ng ating mga kababayan.

Sa totoo lang ang isyu sa dulot na panganib ng paputok ay pinag-uusapan sa ngayon, kaya kilos ng kaunti ang gobyerno. Pagkalipas ng ilang linggo, tiyak magkakalim­utan na. Ganyan lang naman tayo. Pag may disgrasya, ayon aksyon ang pamahal aan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines