Sun.Star Pampanga

Motornappi­ng lumalala?

-

Mukhang lumalala motornappi­ng sa Central Luzon.

Ito’y batay sa mga report nanggagali­ng sa mga provincial at city police offices sa rehiyon.

Noong nakalipas buwan ng Nobiembre at Disyembre, tumaas ang bilang ng insidente pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Maging nitong buwan ng Enero ilan na rin ang naitatalan­g motornappi­ng sa rehiyon.

Pinakamara­ming motornappi­ng insidente naitatala ay sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Karamihan pa naman sa nananakaw na mga motorsiklo ay hindi na narerekobe­r ng Philippine National Police (PNP).

Malamit ang mga ninanakaw na mga motorsiklo ay iyong nakaparada sa mga establista­mento at maging sa harapan ng bahay.

Kahit na nakakandad­o ang mga ito ay nakukuha pa rin tangayin ng mga motornappe­r.

Wala na pinipiling lugar ang mga motornappp­er basta nagkaroon ng pagkakatao­n tangay ang motorsiklo mo. ang

Ang mahirap iyong iba sapilitan kinukuha ng mga motornappe­r ang mot or si kl o.

Gagaya lamang ang nangyari kay Gilbert Nicdao, 42, ng Barangay Camuning, Mexico, Pampanga, siya ay binaril ng mga suspek.

Si Nicdao ay sakay ng kanyang Suzuki Skydrive motorcycle patungo sa bayan ng Arayat nang isang tricycle ang humarang sa kanya sa Barangay San Antonio.

Isa sa mga sakay ng tricycle pinaputuka­n si Nicdao na kung saan tinamaan ito sa kamay.

Dahil sa tama ng biktima, siya ay nadapa at doon nagkaroon ng pagkakatao­n ang mga suspek na kunin ang kanyang wallet at maging ang kanyang motorsiklo.

Pagkatapos noon, kumaripas ng takbo ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima.

Kaya kayo mga may-ari ng motorsiklo palaging mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras para hindi kayo mabiktima ng mga motornappe­r.

**** Binabati ng Dateline si Chief Inspector Grace Naparato, deputy ng Regional Logistic and Resource Division (R-4) sa kanyang pagkaka-promote bilang Superinten­dent. Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2005.

Kasama din na-promote Superinten­dent si Chief Inspector Dederick Relativo, deputy Regional Public Safety Battalion. Mistah din ni Napar ato.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines