Sun.Star Pampanga

Corpus pinuri si Caramat

-

Isa na naman malaking accomplish­ment ang ginawa ni Senior Superinten­dent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director.

Umaabot sa lima suspected drug pushers/ users ang napatay ng Philippine National Police (PNP) sa ilan bayan/ lungsod ng Bulacan.

Samantala naman umaabot sa 95 drug personalit­ies ang naaresto sa ginawa ng Bulacan re-buy-bust operation na kung saan 277 sachets ng shabu na nagkakahal­aga ng PHP409,500.00 ang nakumpiska.

Ang mga napatay sa enkuwentro ay kinilalang sina Arwin Martin ng Barangay Sta. Cruz IV, San Jose Del Monte City; Sonny Pablo Torres ng Barangay Look, Malolos City; Romel Mercado, 38, ng Barangay Bulacan, Sta. Maria; alias Popeye ng Barangay Minuyan, San Jose Del Monte City; and isang di-kilalang lalaki ng Barangay Caniogan, Calumpit.

Sa operasyon ng Bulacan police, umaabot sa 9 ng kalibre .38 rebolber, isang homemade na shotgun, dalawang improvised air gun, isang kalibre .45 replika, isang homemade gun, isang phoenix kalibre .23, isang sumpak at isang handgrenad­e ang nakumpiska sa mga napatay at nahuling mga drug pusher/ user.

Dahil sa big accomplish­ment na ginagawa sa loob lamang ng isang araw ng Bulacan police, pinuri ni Corpus si Caramat.

Pinagmalak­i ni Corpus sa mga ibang mga Provincial at City police director si Caramat dahil sa kanyang One Time Big Time accomplish­ment noong Miyerkules (Jan. 11) sa kanyang mensahe nang New Year’s Call na ginanap sa Chief Superinten­dent Arron Aquino hall.

Kanya (Corpus) sinabihan ang lahat ng Provincial at City police director na pamarisan nila si Caramat sa kanyang Big Accomplish­ment.

Kahit noong ilan buwan pag-upo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, marami naging Big Accomplish­ment si Caramat na kung saan siya ang nangunguna sa kampanya ng PNP sa laban sa illegal drugs.

Halos umaabot sa mahigit 300 na drug pushers/users ang napatay sa enkuwentro at samantlang umaabot na mansa 1,300 ang naaresto sa mga magkakahiw­alay na buy-bust operations sa lalawigan ng Bulacan.

Sino kaya Provincial o City police director ang makakagaya sas “big accomplish­ment ni Caramat o dili kaya makakahigi­t sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs. Nagtatanon­g lang po .....

Sabi nga ni Chief Superinten­dent Corpus, si Caramat daw ang pinaka “ASTIG” sa mga Provincial at City police director sa Central Luzon at maging sa ibang rehiyon ....

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines