Sun.Star Pampanga

Judy Ann Santos, nag-duda ba na may iba si Ryan Agoncillo?

-

Para kay Judy Ann Santos, may valid reason ba para mag-cheat ang isang tao sa kanyang karelasyon?

Sa latest movie ni Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs. Reyes, main topic dito ang issue ng pangangali­wa or cheating. Kaya ‘di naman naiwasan na matanong si Juday sa kanyang guest appearance sa Tonight with Boy Abunda kung may valid reason ba para magloko ang taong may karelasyon na.

Sumagot naman ang Teleserye Queen at sinabing, "Wala eh but for me kasi once you cheat, it's there already, andiyan na yan, nasa history niyo nang magdyowa. Why do you have to cheat? Bakit ka dumating sa puntong nag-cheat? Bakit 'di mo sinabi sa 'kin na 'di ka na masaya? Or something is wrong?"

Sabi pa ni Juday mas gusto niyang maging honest sa kanya ang kanyang karelasyon tungkol sa katotohana­n kesa malaman pa niya ito sa ibang tao.

Nang tanungin kung pinagdudah­an na niya ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa siyam na taon nilang pagsasama, mabilis ang sagot ng aktres.

"Wal a. Siguro napakaswer­te ko sa partner. Nakahanap ako ng asawa na super honest. Hindi naman niya kailangan sabihin sa akin araw-araw that he loves me but we always say we love (each other). Hindi ako nagdedeman­d but he does it anyway and I love it. Kasi pahaba ng pahaba ang buhok ko, pa-trim nga ako ng patrim. I think that's really important," ani ni Juday.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines