Sun.Star Pampanga

Isang police director sa Central Luzon ang nangangani­b ma-relieve?

-

Nitong buwan ng Enero, isang malawakang kampanya laban sa illegal gambling ang inilunsad ng iba’t ibang police offices sa Centra Luzon.

May ilang katao ang naaaresto ng Philippine National Police sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

Hindi na rin mabilang ang mga naaresto ng pulisya sa iba’t ibang operasyon ng PNP laban sa illegal gambling.

Noong nakaraang linggo, umaabot sa 5 katao ang naaresto ng Pampanga police at 15 naman ang naaresto ng Criminal Investigat­ion and Detection Unit-3.

Pitong katao ang naaresto sa mga bayan San Simon, Arayat at Magalang, samantalan­g 15 naman ang naaresto sa On Line Cockfighti­ng sa loob ng Mabuhay Cockpit Ar en a.

Ang PNP Counter Intelligen­ce Task Force ng Camp Crame, anim na Caranglan pulis ang kanilang naaresto at isang hepe Sasmuan sa kanilang kampanya laban sa pangogonto­ng.

Isa din hepe ang nahuli dahil sa illegal gambling. At na-relieved din sa kanyang puwesto.

Kaya naman usap usapan ng mga police officer sa Camp Olivas, maaaring isang police director ang tatamaan at mangangani­b na marelieve sa kanyang puwesto.

Ito’y dahil umano sa 3-strike policy na ipinatutup­ad ng PNP kaya maari matanggal sa puwesto ang isang police director.

Sang-ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline, bago magtapos buwan ng Enero maaaring ma-relieve ang isang police director sa rehiyon.

Sino kaya Police Director ang nangangani­b na ma-relieve sa kanyang puwesto?

Abangan po natin kung sino ito.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines